3 Sayyaf patay, 5 kawal sugatan sa engkuwentro | Bandera

3 Sayyaf patay, 5 kawal sugatan sa engkuwentro

John Roson - May 17, 2020 - 12:03 AM

TATLONG kasapi ng Abu Sayyaf ang napatay at limang sundalo ang nasugatan sa engkuwentro sa Patikul, Sulu, Sabado ng umaga, ayon sa militar.

Narekober ang bangkay ng isa sa mga napatay na bandido, pati ang kanyang assault rifle, ayon kay Maj. Arvin Encinas, tagapagsalita ng Armed Forces Western Mindanao Command.

Unang nakasagupa ng Army 21st Infantry Battalion ang aabot sa 20 kasapi ng Abu Sayyaf sa Sitio Tubig Paliya, Brgy. Danag, alas-10:44, aniya.

Umatras ang mga bandidong pinamunuan ni sub-commander Ellam Nasirin pero muling nakasagupa ng ibang kawal ng 21st IB sa parehong barangay, at tumagal nang isang oras ang palitan ng putok, ayon naman sa AFP Joint Task Force-Sulu.

Bukod sa bangkay ng napatay na bandido at kanyang baril, nakarekober ng mga magazine, bandolier, cellphone, at pagkain sa pinangyarihan.

Nakatanggap ang militar ng impormasyon na may dalawa pang bandido ang napatay sa parehong engkuwentro.

Matapos ang sagupaa’y nailikas ang limang kawal na nagtamo ng bahagyang pinsala, ani Encinas.

Matatandaan na ang 21st IB ang unit na namatayan ng 12 sundalo nang makasagupa ang malaking kumpulan ng Abu Sayyaf doon din sa Patikul, noong Abril 17.

Ayon kay Lt. Gen. Cirilito Sobejana, hepe ng Wesmincom, tinutugis pa ng mga kawal ang iba pang bandido, kung saan marami ang pinaniniwalang nasugatan.

“As our troops penetrate the strongholds and close in on enemies, they will continuously employ reasonable amount of combat power to pressure and debilitate the terror group,” aniya pa.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending