Rocco, GF nagpakain ng marine soldiers na naka-quarantine; Chynna, LJ may ECQ tips
NATIGIL man sa kanyang trabaho bilang artista, tuluy-tuloy naman ang tungkulin ni Kapuso star Rocco Nacino para sa bayan.
Kamakailan ay may handog na feeding activity ang Descendants of the Sun actor para sa mga naka-quarantine na marine soldiers sa tulong na rin ni Brigadier General Cherisse Manzano ng Philippine Marines.
Pinuntahan nina Rocco at girlfriens nitong si Melissa Gohing kasama ang team ng S.T.A.R.S. ng Philippine Navy ang mga marine soldiers para sa kanilang patuloy na serbisyo sa kabila ng banta ng COVID-19.
“Isipin mo, pagkatapos mo magserbisyo, kailangan mo pa rin magpa-quarantine. Imagine yung tagal na hindi mo makakasama ang pamilya n’yo,” ani Rocco sa kanyang Instagram post.
Pagbabahagi pa ng Kapuso actor, dahil daw may strict contact policy ang Navy ay kwentuhan from afar ang naganap sa kanila ng mga frontliners.
Nagpasalamat naman si Rocco sa kanyang kapwa reservists at volunteers na natutulong-tulong para sa pagbangon ng bayan. At siyempre sa kanyang GF na si Melissa na talagang game na game ring nag-effort para sa kanilang misyon.
Samantala, habang tigil muna sa taping ang DOTS PH, mapapanood pa rin si Rocco sa rerun ng Encantadia sa GMA Telebabad.
* * *
Sa nakaraang episode ng Artist Hideout: Wednesday Coolitan, nagbigay ng quarantine tips ang Kapuso artists na sina Chynna Ortaleza-Cipriano, LJ Reyes at Dion Ignacio.
Ito’y para matiyak ang kaligtasan ng kani-kanilang pamilya at frontliners sa gitna ng enhanced community quaratine.
Payo ni Chynna, “Just breathe. Take it easy. Every day, just surrender all anxieties or any kind of problems to the Lord because He’s got this.”
“The more na we comply, the faster na matatapos ito. Alam ko very creative ang mga Pinoy parents and I’m sure makakahanap ulit tayo ng paraan para magkaroon ulit ng source of livelihood sa mga naapektuhan. I’m sure din na gusto ninyo rin na protektahan din ang kids ninyo kaya stay home na muna,” lahad naman ni LJ.
May mensahe naman si Dion sa mga frontliner, “Maraming salamat sa pagsuporta sa mga nangangailangan ng tulong. Huwag silang bibitaw kasi sa ngayon, sila ang ating mga bagong bayani. Huwang silang susuko. Pray lang po tayo kay Lord.”
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.