SWAK sa selda ang anim na lalaki na lumabag umano sa curfew sa Quezon City kaninang umaga.
Kinilala ang mga suspek na sina Michael Malvin Magabo, 39, Mark Escalera, 35, Ruzzell Tabangin, 31, Russel Manalo, 27, Jerome Balbuena, 25, at Keane Tomas, 30, mga residente ng Brgy. Pasong Tamo.
Nagpapatrolya ang mga pulis sa Lilac st., Area 9, Luzon Ave. Brgy. Pasong Tamo, nang makita nila ang mga suspek alas-12:10 ng umaga.
Hinuli ang mga suspek na lumabag sa curfew at ipinatutupad na Enhanced Community Quarantine protocol.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.