Willie Revillame may ibinuking tungkol kay Janno Gibbs
IBINUKING ni Willie Revillame na palaging napupurnada ang guesting ni Janno Gibbs sa Kapuso game show na Wowowin.
Sa nakaraang episode ng TuTok to Win ng Wowowin pinangalanan ni Willie kung sinu-sino sa mga OPM singers ang gustung-gusto niyang i-guest sa kanyang programa lalo na ngayong panahon ng pandemya.
At isa na nga riyan si Dingdong Avanzado na naging special guest performer niya the other night bilang bahagi ng kanilang weeklong 5th anniversary.
In fairness, kahit nakataas pa rin ang enhanced community quarantine sa bansa ay tuluy-tuloy pa rin ang pagbibigay saya at pag-asa ni Willie sa mga Pinoy.
“Unang-una sa lahat, happy anniversary sa ‘yo. Five years na pala. Ang bilis ng panahon. It’s such an honor na maging bahagi ng anniversary mo,” bati ni Dingdong kay Willie.
“Dingdong thank you for your time. Alam mo sa totoo lang, ‘yung mga gusto ko kasing guest dito ‘yung mga dating nag-hit ng mga kanta.
“Si Michael Pangilinan, si Bugoy, Richard Reynoso, ang dami pa. Sana nga marami pa tayong ma-imbita rito,” chika ng TV host-comedian.
Natanong ni Willy kay Dingdong kung sino pa ang mga kasabayan niyang singer para ma-invite rin nila sa programa at makapag-perform. Ani Dingdong, sa pagkakaalam niya halos magkakasabay sila noon nina Ariel Rivera at Janno Gibbs.
Kaya naman ang hirit ni Willie, “Ariel, pwede ba? Baka naman pwede Ariel? Halika. Wala pa namang trabaho e, ‘di ba?”
“Kung pupunta si Janno, why not. ‘Di ba? E, ang galing kumanta ni Janno, e. Idol din ‘yan. Ano, Janno nu’ng nag-uusap tayo ‘di ka na tumawag,” natatawang chika ng TV host. “’Tawagan kita, ge-guest ako sa ‘yo.’ Pero hindi kami natutuloy palagi, e.”
Kinabukasan, sinagot naman ni Janno ang paanyaya ni Willie. Pahayag ni Janno, “Ha-hahaha. Pareng Willie! Meron ka naman number ko. After ECQ tayo pare.”
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.