Coney pinatatag ang faith ni Aiko kay Lord: Lalo na noong lugmok ako!
MALAKI ang pasasalamat ni “Prima Donnas” star Aiko Melendez sa veteran actress na si Coney Reyes sa ginawa nitong pagtulong sa pagpapatatag ng kanyang pananampalataya.
Sa kanyang Instagram post, binalikan ng mahusay na Kapuso actress ang kanyang Christian baptism na pinakamasayang punto raw ng kanyang buhay.
“This is definitely one of my happiest and peaceful days ever, when I surrendered my Life to Jesus and got water baptism with one of my pastors @laryetuy,” mensahe ni Aiko.
Kuwento pa ng award-winning actress, malaki ang papel na ginampanan ng “Love Of My Life” sa kanyang buhay lalo na noong panahon na lugmok siya at sabay silang nagba-Bible study.
“It is no secret how I got closer to the Lord, tita @coneyreyes played a big role in my life, when i was going through some rough times in life,” aniya pa.
Sa huli, nag-iwan ng payo ang Kapuso actress para sa lahat ng mga taong dumadaan sa matinding pagsubok ngayon.
“To all those who are going through difficulties in life, battling anxiety, please hold to the Promises Lord Jesus gave us. He said in his words In Jeremiah 29:11,” saad ni Aiko.
Marami naman ang nag-comment sa IG post ni Aiko at nagpahayag ng paghanga sa kanyang katapangan at katatagan bilang isang single mother.
May nagsabi na ipagdarasal nila na sana’y sila na ni Jay Khonghun ang magkatuluyan at magsama forever.
Samantala, habang tigil muna sa taping ang mga serye, muling napapanood ang “Onanay” sa timeslot ng “Prima Donnas” habang “My Husband’s Lover” naman ang pansamantalang pumalit sa “Love Of My Life” sa GMA Telebabad.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.