PH tumanggap ng donasyong PPEs at medical supplies mula sa UAE
TINANGGAP ng gobyerno ng Pilipinas ang ayuda mula sa bansang United Arab Emirates (UAE) tulad ng mga Personal Protective Equipment (PPEs) at medical supplies bilang suporta laban sa COVID-19.
Personal na tinanggap nina Foreign Affairs Secretary Teodoro Locsin Jr., Department of Health (DOH) Secretary Francisco Duque III at Chief Implementer of the Government’s National Policy Against COVID-19 Secretary Carlito Galvez ang mga donasyon.
Iniabot ni UAE Ambassador to the Philippines Hamad Al-Zaabi
ang mga nasabing PPEs at mga medical supplies.
Ang nasabing ayuda ay naglalaman ng apat na metriko toneladang PPEs (face masks, gloves, shoe covers) at tatlong metriko toneladang medical supplies (sanitizers at wipes).
Pinasalamata ng DFA ang gobyerno ng UAE dahil malaking tulong ang mga ito kontra COVID-19.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.