HINDI magtataas ng tuition ang University of the Santo Tomas sa susunod na academic year 2020-2021.
At maaari ring mai-refund ang ibinayad sa hindi natuloy na aktibidad gaya ng filed trip at retreat fees sa natapos na AY 2019-2020 at i-credit na lamang sa bayarin sa susunod na semestre.
Sa inilabas na artikulo ng Varsitarian, sinabi nito na isang memorandum ang inilabas ng Office of the Secretary General pinag-aaralan din umano ang mga hakbang na dapat gawin sa ilalim ng ‘new normal’ at ang pagpapatuloy ng online learning sa unang semester ng susunod na AY.
Ang mga hindi pa nakakabayad ng matrikula ay pinagbigyan na mabayaran ito ng hulugan hanggang sa Disyembre 2020.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.