Vico napakamot ng ulo sa inis, muntik ‘masiraan ng ulo’ dahil sa netizen | Bandera

Vico napakamot ng ulo sa inis, muntik ‘masiraan ng ulo’ dahil sa netizen

Djan Magbanjua - May 06, 2020 - 11:06 AM

RAMDAM ng mga nakapanood ng Facebook live updates ni Mayor Vico Sotto ang kaniyang pagkainis sa isang comment habang nagla-live siya para magbigay ng update sa mga taga-Pasig City.

Pinag-uusapan kasi nila ang Pasig supplemental social amelioration program kung saan sinabi niya na lahat daw ay mabibigyan.

Habang nagla-live binasa naman niya ang ilang katanungan from the netizen.

“Ah so malalagpasan po ulit kaming nasa condo.” comment ng isang netizen.

Dito na napakamot at nagtaas nang konti ang boses ni Vico dahil sa inis.

“Hindi nga. Kasama nga..gulo kausap. Kakasabi ko lang na lahat nga kasama eh. Kung di naman ba mamuti buhok ko dito. Kakasabi lang lahat kasama. Paano malalagpasan..hindi malalagpasan ang condo, kasama po ang condo sa supplemetal sap. Comment ng comment hindi muna makinig.” aniya sa kaniyang video. Napakamot pa siya ng ulo.

Ipinost din ni Vico ang pangyayaring ito sa kanyang Twitter account.

Ito yung muntikan ako masiraan ng ulo dahil kakasabi ko pa lang na “Lahat kwalipikado,” may nagcomment na “ah so malalagpasan ulit kaming nasa condo”Face with tears of joyFace with tears of joy. Tapos tawa pa ng tawa yung mga staff. But kidding aside, our goal w SUPPLEMENTAL SAP is to help ALL Pasigueños in need.” tweet niya.

 

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending