I-text kay Madam Sophia (August 12, 2013)
Mula kay Carla ng …8233 ng Leyte. December 15, 1995 ang birthday ko. Sino-sino po ba ang ka-compatible ko?
Tugon ni Madam Sophia: Ayon sa birthday mong December 15, 1997, ka-compatible mo silang isinilang sa zodiac sign na Leo, Aries, Gemini at kapwa mo Sagittarius higit lalo silang may birth date na 3, 12, 21, 30, 9, 18, 27, 5, 14, at 23.
>>>
Mula kay Rodaliza Princess ng Davao City. September 26, 1973 ang birthday ko. Matutuloy ba ang alis ko papuntang Europe, on process pa ang mga papeles ko at mga 6 ot 8 weeks pa raw malalaman ang resulta?
Tugon ni Madam Sophia: Ayon sa birthday mong September 26, 1973 tiyak ang magaganap sa taon ding ito ng 2013 hanggang 2014 sa edad mong 40 pataas, walang sablay, may isang mabunga at mabiyayang pangingibang bansa sa kontinente ng Europe na itatala sa iyong kapalaran.
>>>
Mula kay Omar ng …2531 ng Pasay City. April 25, 1989 ang birthday ko. Kailan kaya ako magkaka-girlfriend?
Tugon ni Madam Sophia: Ayon sa birthday mong April 25, 1989 sa susunod na taong 2014 sa edad mong 25 pataas magkaka-girlfriend ka na hatid ng isang babaing isinilang sa zodiac sign na Capricorn.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.