Gastos ng na-ospital dahil sa COVID bago ang cut off hindi binayaran lahat ng PhilHealth | Bandera

Gastos ng na-ospital dahil sa COVID bago ang cut off hindi binayaran lahat ng PhilHealth

Leifbilly Begas - May 01, 2020 - 01:25 PM

UMAANGAL ang ilang pasyente dahil hindi umano totoo na binayaran ng Philippine Health Insurance Corp., ang lahat ng gastos ng pasyente na isinugod sa ospital dahil sa coronavirus disease 2019 bago ang Abril 15.

Muling umapela si AnaKalusugan Rep. Mike Defensor sa PhilHealth na tulungan ang mga pasyente na na-ospital dahil sa COVID-19 bago ipinatupad ang health package para rito.

Ayon kay Defensor may mag-asawa na nagreklamo sa kanya. Ang babae ay ipinasok sa ospital noong Abril 5 at ang lalaki ay nang sumunod na araw.

Walong araw na-ospital ang lalaki at ang binayaran lamang umano ng PhilHealth ay P10,000.

Ang kanyang misis ay nasa ospital pa hanggang ngayon at nasa P1.2 milyon na umano ang hospital bill.

Sinabi ni Defensor na hindi ito ang sinabi ni PhilHealth president Ricardo Morales.

Sa panayam sa radyo ay sinabi ni Morales noong Abril 4 na sagot ng PhilHealth ang lahat ng gastos ng pasyente na na-ospital kaugnay ng COVID-19. “Lahat yan sasagutin namin…so far ang mataas P2.8 million, hindi pa siya nadidischarge.”

Ipinaalala rin ni Defensor na ang ospital ang dapat na maningil sa PhilHealth at hindi ang pasyente.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending