Ano na ang nangyari sa laglagan, bantaan ng Barretto sisters?
FAMILY is where one’s heart should be.
Probably the biggest showbiz news last year revolved around the Barretto family.
Mula noong nag-away-away ang mga magkakapatid, nothing’s heard from any of them. Ang banta ni Marjorie na isisiwalat ang lahat ay hanggang salita lang.
Ang inaasahang retaliation o resbak ni Gretchen ay tulak din ng bibig.
When none of them spoke, gustong isipin na lang ng showbiz that some cooler heads intervened. Wala rin naman kasing patutunguhan ang kanilang bangayan, destroying not just one another but themselves.
Ikinatuwa ‘yon ng marami lalo na ng mga tao na may mataas na pagpapahalaga sa ages-old family tradition.
At the end of the day (pardon the cliché) naman kasi, it’s still family that’s not important. Ito pa rin ang tatakbuhan mo, seek solace in and comfort from no matter what.
Sa ngayon, bagama’t may kanya-kanya pa rin silang buhay, the energies of the Barretto sisters are now directed to their respective families.
Three days ago ay ipinagbunyi ni Gretchen ang 25th birthday ng kanyang anak na si Dominique by her businessman-partner Tony Boy Cojuangco.
All along na kaaway ng kanyang ina ang mga kapatid nito, Dominique managed to distance herself. Pero naroon siyempre ang kanyang pagkampi kay Gretchen.
Iba naman ang “family trip” ni Marjorie. Nitong April 20 ay inilunsad niya ang kanyang sariling YouTube channel kung saan ang mga inaasahang paksang tatalakayin nito’y may kinalaman sa family, home, recipe at travel.
Unang bugso nito’y ibinahagi ni Marjorie kung ano ang mga useful na activities na maaaring gawin ng kanyang mga anak sa gitna ng ipinatutupad na lockdown.
Kung dati-rati’y iwas si Marjorie na ipakita sa publiko ang kanyang bunsong anak (na sinasabing hindi kay Dennis Padilla), now she’s a picture of a proud mom.
Ganito na ngayon ang mga Barretto sisters na kulang na lang na itakwil ang isa’t isa noon. Individually, sa kani-kanilang pamilya sila nakatuon and how to keep it close-knit as possible.
Kunsabagay, it’s about time the Barretto sisters taught their children worth-keeping family values na makakatulong sa kanila in their future parenting.
Inaantabayanan din ng mga netizens kung possible bang magkaroon ng pag-aayos ang mga magkakapatid.
Ano naman kasi ang credence meron ang family-oriented YouTube channel ni Marjorie kung hindi nito magagawang simulan sa kanyang mismong pamilya?
It’s a matter of time though. Tumitiyempo lang siguro ang mga feuding sisters at pasasaan ba’t there’s going to be a heartwarming reconciliation in the air.
* * *
Woe is BB Gandanghari.
On his own ngayon si BB sa Amerika, caught in the global lockdown malayo sa kanyang pamilya. Kung ang mga magkakamag-anak physically separated from each other ay nagkukumustahan at the very least through whatever means of communication, kabaligtaran ito sa dinaranas ni BB.
Ni hindi man lang daw siya tawagan ng sinuman sa kanyang pamilya para kumustahin ang kanyang kalagayan. Ipinagkakanulo nga lang siya ng kanyang mga litrato accompanying her (her dahil legally, girlash na siya) post.
Which sibling ba is closest to BB, na dapat sana’y nangungumusta sa kanya? We can only single out Robin among the guys, and one who’s active in social media.
Pero buhat noong nagkaproblema na ang bansa sa health crisis, halatang scarce na si Robin kumpara sa mga araw bago ito particularly the talks about shutting down ABS-CBN.
Ang dating kasing-ingay ng latang walang laman ay wa na kuda. Ngayon inaasahang magpaka-relevant si Robin sa panaghoy ng isang napabayaang kapamilya!
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.