Nagtanong sa relief goods kinuyog ng mga taga-barangay | Bandera

Nagtanong sa relief goods kinuyog ng mga taga-barangay

- April 26, 2020 - 05:52 PM

BUGBOG-sarado na ay ikinulong pa ang isang lalaki na nanggulo umano sa gitna ng pamimigay ng relief goods sa Caloocan City kahapon.

Pero itinanggi naman ni Ramil Victorio na nanggulo siya. Aniya, nagtanong lamang siya sa mga opisyal ng Barangay 66 tungkol sa relief goods pero kinuyog na siya ng mga ito.

Naniniwala si Victorio na nagalit sa kanya ang mga opisyal makaraan niyang ireklamo ang ginagawang pamimili ng chairman nilang si Ferdinand Lapira sa bibigyan ng ayuda.

Idinagdag niya na hindi rin siya nang-agaw ng relief goods gaya ng ibibintang sa kanya ng mga opisyal ng barangay.

Nahaharap siya sa mga kasong unjust vexation at physical injury.

Sa ulat sa radyo, ipinagdiinan ng mga opisyal ng barangay na si Victorio ang pinagmulan ng gulo. Ayon sa isang kagawad, nagmumudmod ng relief goods si Lapira nang lumapit at kinuha ang isang bag. Inawat ng kapitan pero nahawi ito ni Victorio kaya nagalit ang opisyal at nabugbog siya.

Hindi naman niya maipaliwanag kung bakit sumali sa pambubugbog ang iba pang opisyal ng barangay.

Ayon naman sa kapitan, minura at sinigawan siya ni Victorio kaya tinuluyan niya itong ipahuli sa pulisya.

Panoorin ang video kung paano kinuyog si Victorio ng mga taga-barangay.

https://m.facebook.com/story.php?story_fbid=2863321660369620&id=100000754431739

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending