BAGSAK sa kulungan ang 44 Tsino at siyam na Pinoy na naaktuhan sa isang ilegal na POGO hub sa Parañaque City kahapon.
Ayon sa ulat, nasakote ang 53 sa isang bahay sa NAIA Road makaraang isumbong sa pulisya ang mga armadong kalalakihan na nakitang paikot-ikot sa bahay.
Nakumpiska sa mga suspek ang limang baril, 36 laptops, 17 desktop computers at P1.3 milyon cash.
Kakasuhan ang mga kawani ng illegal possession of firearms at paglabag sa Bayanihan To Heal As One Act.
Matatandaang pansamantalang ipinasara ang maraming negosyo, kabilang ang POGO, bunsod ng enhanced community quarantine na nagsimula noong Marso 17.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.