Mga beki abangers na sa One Night With Regine; Kapamilya stars tunay na superhero
SIGURADONG excited na ang lahat ng mga Reginians sa benefit concert tonight ng nag-iisang Asia’s Songbird na si Regine Velasquez-Alcasid.
Titled “One Night With Regine”, bahagi pa rin ito ng birthday celebration ng singer-actress who just turned 50 years old last April 22.
Magaganap ito ngayong gabi at 8 p.m. to streamed live on ABS-CBN’s Facebook page and YouTube channel. Layunin nitong makalikom ng pondo para sa Bantay Bata Foundation Children’s Village lalo na ngayong medyo apektado na rin ang resources ng BBF dahil sa lockdown dulot ng COVID-19.
Kung matatandaan, 18 years ago nagkaroon din ng benefit concert si Regine na may kapareho ring titulo na ginanap sa labas ng National Museum of the Philippines noong April 26, 2002. Ito’y para pa rin sa Bantay Bata Foundation.
Sa mga hindi pa nakakaalam, more than 20 concerts na ang nagawa ni Regine sa mahigit tatlong dekada niya sa entertainment industry at sandamakmak na awards na rin ang natanggap niya.
Sa isang article naman about the Songbird, nabanggit ang recognition sa kanya ng Philippine Association of the Record Industry (PARI) “as the best-selling Filipino artist of all-time after selling approximately seven million albums in the Philippines and 1.5 million in Southeast and East Asia and being the first and only Filipino artist to have eight albums to exceed sales of 200,000 copies.”
* * *
Samantala, isa si Regine Velasquez sa mga Kapamilya stars na nagpahayag noon ng pangamba tungkol sa franchise renewal ng ABS-CBN na mag-e-expire na nga ngayong Mayo.
Sabi ng Songbird sa isa niyang Instagram post, “Bagamat ako po ay bago pa lamang naninirahan sa tahanang Ito ako naman po ay itinuring totoong kapamilya.
“Naliligalig din po ako dahil nakasalalay din po ang aming kabuhayan sa ABS-CBN. Naisip ko tuloy….. na kung ako ay naliligalig pano pa ang iba na dito talaga nakasalalay ang buhay nila at pamilya nila.”
Nitong nakaraang araw, pinamamadali na ng Bayan Muna ang pagdinig sa renewal ng prangkisa ng TV network.
Sabi ni House Deputy Minority leader at Bayan Muna Rep. Carlos Isagani Zarate, “The franchise of ABS-CBN will expire on May 4, and I submit that it is prudent that a hearing of the legislative franchise committee be called on the same day to expedite its resolution, especially now during the time of the CoViD pandemic.”
Sinabi rin ni Bayan Muna chairman Neri Colmenares na bagsak ang ekonomiya dahil sa krisis na kinahaharap ng bansa at isang malaking problema kung mawawalan ng trabaho ang 11,000 na mga manggagawa ng ABS-CBN kung hindi mari-renew ang prangkisa.
Samantala patuloy pa rin ang inilunsad na programa ng network na “Pantawid ng Pag-ibig” kaisa ang mga pribadong kompanya at mga lokal na pamahalaan para maghatid ng pagkain at iba pang araw-araw na pangangailangan ng mga Pinoy.
Hindi lang ABS-CBN ang tumutulong kundi pati ang mga Kapamilya stars na itinituring ding mga bagong bayani, tulad nina Angel Locsin, Bela Padilla, Judy Ann Santos, Pokwang, Ejay Falcon, Angelica Panganiban, Enchong Dee, Kathryn Bernardo, Daniel Padilla, Vice Ganda at marami pang iba.
Tanong ng madlang pipol, tuloy-tuloy na kaya ang pagdinig sa mga panukala sa Kongreso para bigyan ng prangkisa ang ABS-CBN? Mas maraming Pilipino ang matutulungan kung maipagpapatuloy ng ABS-CBN ang kanilang operasyon sa bisa ng isang bagong prangkisa.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.