Veteran actress asar-talo kay Agot; wa epek ang drama kay Digong | Bandera

Veteran actress asar-talo kay Agot; wa epek ang drama kay Digong

Ronnie Carrasco III |April 25,2020
facebook
share this

Veteran actress asar-talo kay Agot; wa epek ang drama kay Digong

Ronnie Carrasco III - April 25, 2020 - 08:34 AM

SA HANAY ng mga artista, isa si Elizabeth Oropesa sa mga lantarang supporters ni Pangulong Duterte. 

Obviously, si PRRD rin ang presidentiable na binilugan niya sa kanyang balota noong 2016.

Nang ideklara ang stay home policy ng gobyerno bilang bahagi ng umiiral na lockdown, isa rin si Oro (tawag sa beteranang aktres) na mga tumalima rito.

Makikita nga sa kanyang video na nasa loob siya ng kanyang tahanan, mga religious icons ang nasa background niya habang umaapela sa taumbayan to set politics aside at bagkus ay magkaisa sa laban sa health crisis.

Mangiyak-ngiyak si Oro sa kanyang pagsusumamo, indeed, a real-life winning performance.

Makaraan ng ilang araw ay sinundan ‘yon ng isang galit na Elizabeth Oropesa ranting against Agot Isidro. Tulad ng alam ng marami, isa naman ang singer-actress sa mga harapang bumabatikos sa pamahalaan.

Binanatan siya ni Oro na pinuri pa siya bilang matalino at sopistikadang artistang nakilala niya, pero binawi rin niya sa kanyang mahabang post. Kinuwestiyon din ni Oro ang ambag ni Agot sa gitna ng krisis.

If Agot’s contributions escaped Oro, i-Google niya ang mga ginawang tulong ni Agot sa mga frontliners. Ewan nga lang if we’ll find the same na ginawa o nagawa ni Elizabeth.

Ine-expect na naming may kagyat na sagot si Agot sa aria ni Oro, pero sa halip ay tungkol sa ibang isyu nakaladkad ang Kapamilya actress.

Ito ‘yung ikinumpara siya sa itsura ng nasirang komedyanteng si Palito base sa kanyang larawan sporting a similar haircut (in August, 2013) alongside the comedian’s sketch.

Imbes na ma-offend ay honored pa si Agot sa ginawang comparison na walang dudang ikinalat ng mga DDS.

Kung bakit naman marunong ding tumayming ang nagkalat ng sketch which made the rounds of social media on April 13. Isang araw kasi ‘yon matapos gunitain ang 10th death anniversary ng komedyante who succumbed to lung complications.

Sa madaling salita, mas pinaglaanan pa ng oras ni Agot ang “Palito sketch issue” kesa ang emote ni Elizabeth Oropesa.

Nakakabagabag ito sa parte ni Oro whose stunt in getting public attention at the expense of Agot ay hindi nagtagumpay.

Yes, si Oro na matagal na ring kaaway ni Tetchie Agbayani.

Yes, si Oro pa rin who made a prank on Azenith Briones at sa nawawalang panindang alahas nito na muntik nang mademanda ng qualified theft.

Yes, si Oro na puwede ring hanapan kung ano ang ambag sa bayan.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Kung meron man.

                                                                   

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending