Mahirap na pamilya sa lugar na walang ECQ hindi na bibigyan ng cash aid
HINDI na bibigyan ng cash aid ang mga mahihirap na pamilyang nakatira sa lugar na wala ng enhanced community quarantine na dulot ng coronavirus pandemic.
Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque limitado na ang second wave ng Social Amelioration Program sa mga pamilyang nasa Metro Manila at iba pang lugar na nasa ilalim pa rin ng ECQ.
“Yung pag-distinguish between ECQ and GCQ (general community quarantine) importante po iyan kasi ‘yung second tranche ng ayuda na manggagaling sa gobyerno ay ibubuhos nalang natin po ngayon sa mga areas under ECQ.” ani Roque sa interview sa CNN Philippines.
Naglaan ang gobyerno ng P200 bilyon para sa dalawang buwang cash subsidies na ipapamahagi sa 18 milyong low-income households bilang ayuda sa mga apektado dahil sa COVID-19
Sa anunsyo ni President Duterte, ni-lift ang ECQ at inilagay sa general community quarantine ang ilang lugar sa Luzon kung saan sila ay sasailalim sa ‘new normal’.
Para naman sa tinatawag na ‘high-risk’ na lugar ay extended ang ECQ hanggang May 15.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.