#WagingWagi: SB19 pasok na sa Top 5 ng Billboard Social 50
GUMAWA na naman ng history ang P-Pop group na SB19 matapos makapasok sa Top 5 ng Billboard’s Social Top 50.
Ang grupo na kinabibilangan nina Sejun, Josh, Stell, Ken at Justin ang kauna-unahang Southeast Asian act na naka-join sa chart’s top 5. Nasa unang pwesto ang BTS na sinundan ng GOT7, sumunod si Andrea Bocelli at ikaapat ang NCT 127.
Ilang linggo nang nasa listahan ng Billboard Social 50 ang SB19, pero ito ang unang pagkakataon na nakapasok sila sa Top 5.
Ang Billboard Social 50 ay ang weekly “ranking of the most active artists on the world’s leading social networking sites.” Ang iba pang nakapasok sa Top 10 ay ang @weareoneEXO, @TXT_members, @NCTsmtown_DREAM, @ATEEZofficial at @FiersaBesari.
Sa isang interview sinabi ni Josh na hindi pa rin sila makapaniwala Billboard Social 50, “‘Yung mapabilang lang po sa Billboard chart di po namin akalain talaga ‘yon kasi parang nandoon sila Ariana Grande, Justin Bieber, BTS, Lady Gaga. Sobrang grabe totoo ba ito?” “Para po kasi sa amin, hindi pa po kami enough para mapunta sa Billboard chart na ‘yon, pero dahil po sa tulong ng mga fans namin nangyayari po talaga lahat. Dream come true po para sa amin. Parang nanaginip pa rin po kami hanggang ngayon,” aniya pa.
Sabi naman ni Stell, “Tsaka ayon po, nung nakita po namin ‘yun, talagang napatanong po kami sa sarili namin na deserve ba talaga namin na mapunta kami sa Billboard? Tapos naglolokohan kami, sabi namin wala na, hindi na tayo aangat, sobrang taas na po ng nasa taas namin na artist.
“Sabi namin masaya na kami dito sa top 10, sobrang blessing na po nito para sa amin. Hindi po kami makapaniwala na parang kada gigising kami sa umaga, iniisip namin na panaginip lang. Sana po magtuloy-tuloy lang po. At kung papalarin at umangat, mas magiging masaya po kami,” dagdag pa niya.
Bukod sa Social 50 chart, nakapasok na rin ang SB19 (25th spot) sa Billboard’s Emerging Artist chart.
* * *
Pinaboran ni Angel Locsin si Taguig City Mayor Lino Cayetano kaugnay ng ginawang paninita ng mga pulis/military sa isang condo sa BGC (Bonifacio Global City) kaya na nagkumpulan sa swimming pool ng tinitirhang condo.
Eh, ayon sa Instagram post ni Angel, nakatira rin siya sa BGC kaya suportado niya ang ginawa ng PNP at Mayor Cayetano.
“Rules are rule. Walang kaibahan po ang kumpulan sa palengke, sa sabong sa sementeryo, at pa-bingo sa kalsada sa pagkumpulan ninyo sa swimming pool.
“Wag po tayong maging privileged. Wala pong diplomatic immunity ang virus. You staying in common areas can harm not only us Filipinos but also the diplomats in your condominium,” saad pa ni Gel.
Matapos tumalak, sinalubong naman ni Angel ang kanyang 35th birthday. Binigyan siya ng surprise ng kanyang tatay with her fiance Neil Arce. Happy birthday, Angel!
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.