RAYMART pumapatol daw sa mga MATRONA para magkapera?
HOW true na merong naninira kay Raymart Santiago? We were surprised to learn from a website na meron nang naglalabasang intriga kay Raymart. Parang pinalalabas daw na meron itong karelasyon na may anak na.
Meron daw anonymous Instagram user ang naglabas ng picture ni Raymart at ng brother niyang si Rowell Santiago kasama ang isang babae.
Matapang ang Instagram user dahil pinangalanan niya ang babae at sinabing isa itong general manager sa isang mall.
Walang takot na in-imply ng anonymous Instagram user na ang babaeng ito ang sinasabing karelasyon daw ngayon ni Raymart. Ito raw ang bagong sugar mommy ng actor.
Sino kaya ang anonymous user na ito at ano ang kanyang relasyon kay Raymart? May sapat kaya siyang ebidensiya na magpapatunay na may bago ngang karelasyon ang younger brother nina Rowell at Randy Santiago?
Ang sabi pa sa ulat ng website, merong isa pang anonymous Instagram user ang nagsabing pumapatol daw si Raymart sa older women. Super na-depress daw ang actor when his wife’s earnings were slowly dwindling dahil sa kawalan ng trabaho.
With that ay pumatol daw ito sa mga matrona? We feel na hindi naman ganoon si Raymart. In the first place, marunong naman siyang magtrabaho at wala yatang panahon na hindi siya nag-work.
Bata pa lang ay nagtrabaho na si Raymart kaya it’s VERY UNFAIR for some people to accuse him na pumapatol sa mga matrona para lang magkapera.
Kung me pera ang asawa niya, siguradong meron din naman si Raymart dahil he started working sa showbiz noong bagets pa lang siya. Isa pa, hindi naman naghihirap ang mga Santiago.
Hindi naman sila nanggaling sa wala. They were schooled sa best universities and no one among them is a bum. Parang meron talagang decided na sirain si Raymart sa mata ng publiko.
( Photo credit to Google )
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.