MAY mga paaralan na humihingi ng pahintulot sa Department of Education upang magsagawa ng online graduation o e-graduation.
Ayon kay Education Undersecretary Nepomuceno Malaluan ang inisyal na schedule para sa graduation rites ay noong Abril 13 to 17 subalit hindi na ito natuloy matapos na palawigin ang Enhanced Community Quarantine sa Luzon.
May mga natatanggap kami na mga nagmumungkahi o nag-a-apply na mga eskuwelahan o mga division na kung pwede ay e-graduation,” ani Malaluan “If it will not involve coming together and congregating face-to-face in a certain place e puwedeng payagan siguro iyon.”
Bukod sa Luzon, may mga lokal na pamahalaan na nagpapatupad ng lockdown sa Visayas at Mindanao.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.