#KayoNaLang: John Lloyd, Bea nagkulitan sa socmed, fans super kilig | Bandera

#KayoNaLang: John Lloyd, Bea nagkulitan sa socmed, fans super kilig

Ervin Santiago - April 19, 2020 - 09:25 AM

JOHN LLOYD CRUZ AT BEA ALONZO

KINILIG at muling nabuhay ang pag-asa ng mga fans nina John Lloyd Cruz at Bea Alonzo nang magkulitan ang magka-loveteam sa social media.

Nagpasabog ng good vibes ang dalawang Kapamilya stars sa Instagram nitong nakaraang araw nang magpalitan sila ng mensahe dahil na rin sa kagagawan ni Lloydie. 

Isang old photo kasi ni Bea sa IG ang ni-like ni John Lloyd na in-upload ng dalaga noon pang February, 2019.

Nag-comment din si Lloydie (may handle na @dumpsitegallery) sa isang post ni Bea noong April 13. Aniya, “Huyyy @beaalonzo.”

Reply naman sa kanya ng aktres, “@dumpsitegallery 2019 pa tong post ko ah, bakit ka nagbabrowse sa ig ko?” Ani John Lloyd, napindot lang daw niya ang post ng dating ka-loveteam.

Hirit naman ni Bea, “Sabi mo eh.” Na sinundan pa ng tila pang-aasar niya kay John Lloyd na, “May na-miss? [laughing emoji].” Isang emoji lang na naka-zip ang bibig ang sagot sa kanya ng aktor.

Hindi pa rin nagpaawat si Bea sa pangungulit kay Lloydie na nagsabing, “Halata eh.” Na nireplyan ni John Lloyd ng, “Bawal ba?” Tugon ni Bea, “Hindi naman.”

Dito hindi na sumagot ang ex ni Ellen Adarna kaya nagpatuloy ang pang-aasar sa kanya ni Bea dahil  “seen na lang” daw ito sa post niya.

Ilang sandali lang ay nag-reply uli si John Lloyd aa kanya, “Tampo agad. DM kita.”

Sunud-sunod naman ang comments ng mga kinilig na  fans at netizens na nagsabing nabuhay muli ang kanilang pag-asa na sa ending ay sina Basha at Popoy pa rin ang magkakatuluyan na matagal na nilang ipinagdarasal.

Sina Basha at Popoy ay ang mga classic character na pinasikat nina Lloydie at Bea at minahal ng madlang pipol mula sa pelikulang “One More Chance” at “A Second Chance.”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Ayon pa sa kanilang loyal fans, sana nga sila na lang ang magkatuluyan tutal naman ay pareho na silang single ngayon at libreng-libre na muling magmahal matapos malasin sa kanilang mga ex dyowa.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending