ISANG 70-anyos na babae ang nasawi sa sunog sa Maynila kanina.
Ayon sa Bureau of Fire Protection, namatay si Helen Alvarez, 70, na hindi na nakalabas sa kanyang bahay.
Nagsimula ang sunog alas-11:48 ng umaga sa bahay ng nasawi sa Agusto Arellano, Brgy. Sta. Ana.
Mabilis umanong kumalat ang apoy sa tatlong palapag na bahay na naapula alas-12:40 ng tanghali.
Apat na pamilya umano ang nakatira sa bahay.
Inaalam pa ang halaga ng pinsala at pinagmulan ng sunog.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.
What's trending