Barretto sisters nakalikom ng P600K para sa pagtatayo ng quarantine facility | Bandera

Barretto sisters nakalikom ng P600K para sa pagtatayo ng quarantine facility

Ervin Santiago - April 14, 2020 - 01:53 PM

“MISSION accomplished!” 

Makalipas ang halos dalawang linggo, nakumpleto na ni Julia Barretto at ng dalawa niyang kapatid ang target na donasyon para sa kanilang project kontra COVID-19 pandemic.

Ibinandera ng Kapamilya actress at nina Dani at Claudia Barretto na successful ang inilunsad nilang #ParaMayBukas fundraising campaign para makatulong sa “overcrowding” problem sa mga ospital sa Metro Manila.

Ang nalikom na donasyon ng Barretto sisters ay mapupunta sa  construction ng quarantine facility para sa COVID-19 patients. Umabot sa mahigit P600,000 ang nakuha nilang donasyon.

Sa kanilang Instagram accounts, ipinost ng magkakapatid ang mga litrato ng ipinatatayong emergency quarantine facility sa Fe Del Mundo Medical Center sa pangunguna ng architecture firm na WTA Design Studio.

“Good news! Our fundraiser #ParaMayBukas has already reached its 600,000PHP goal but because of your generosity and support we ended our fundraiser with more— 651,952.22PHP!!! 

“My sisters Dani, Claudia, and I want to thank everyone who took part on this mission. This was a success because of all your support and help. We will continue to post updates and progress. Again, thank you very much,” ang caption ni Julia sa kanyang IG post.

Sinimulan nina Julia ang #ParaMayBukas fundraiser noong April 4 matapos mabalita na punumpuno na ng mga COVID-19 patients ang mga ospital sa NCR. 

“It is incredibly nice to be part of something and I hope you all feel the same having been part of this mission,” sabi pa ni Julia. Aniya, ang matitirang donasyon ay ilalaan naman nila sa pagbili ng PPEs at pagkain para sa mga builders at volunteers.

Sa website ng WTA Design Studio’s, ang isang 6×26-meter quarantine facility ay magkakaroon ng 15 kama at dalawang CR, “with airflow that is directed from front to rear through vents to prevent recirculation.”

Ang balak ng grupo ay makapagpatayo pa ng mas marami pang quarantine facilities sa 59 iba pang lugar sa pamamagitan ng mga donasyon.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending