25K Taguig scholars tatanggap ng P5K | Bandera

25K Taguig scholars tatanggap ng P5K

Liza Soriano - April 13, 2020 - 04:23 PM

SA susunod na linggo ay sisimulan ng pamahalaang lungsod ng Taguig ang pamimigay na P5,000 special emergency allowance sa 25,000 scholars ng siyudad.

Ani Mayor Lino Cayetano, inatasan  niya ang kanilang Scholarship Office at Barangay Affairs Bureau na ipamahagi na ang Special Emergency Assistance to Scholars simula sa Lunes, Abril 20.

Ayon sa alkalde, layon ng tulong pinansiyal na makaagapay ang mga scholar sa krisis na dulot ng Covid-19 pandemic.

Kabilang sa makataranggap ng tulong ang mga nasa ilalim ng mga programang Lifeline Assistance for Neighbors In-need Scholarship Program, Taguig City University Educational Assistance Allowance, at Taguig Learners Certificate Scholarship Program.

“By designing a support program around our scholars, we affirm our commitment to the well-being of our young people even in extraordinarily difficult times,” ani Cayetano.

Umaasa ang opisyal na sa matatanggap ng mga iskolar magagawa din nilang makatulong sa kapwa.

Inaasahan na 125,000 indibiduwal na kapamilya ng mga iskolar ang makikinabang din sa tulong.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending