Viral dancer DJ Loonyo instant crush ng bayan: Ang ideal GF ko ay... | Bandera

Viral dancer DJ Loonyo instant crush ng bayan: Ang ideal GF ko ay…

Ervin Santiago - April 13, 2020 - 09:13 AM

WALANG duda, sikat na sikat na nga ngayon ang internet sensation na si DJ Loonyo dahil sa kanyang mga viral dance video sa Facebook.

Nakilala nang bonggang-bongga si DJ Loonyo o Rhemuel Lunio in real life matapos mag-trending ang dance challenge na alay niya sa mga frontliners na itinuturing na mga bayani ngayong may health crisis. Pati nga mga sikat na celebrities ay kumasa na rin sa kanyang dance challenge.

At in fairness, naging instant crush ng bayan din ang binata mula nang sumikat siya. Walang girlfriend ngayon ang binata, “Yes, single and not ready to mingle. Ano muna tayo, responsibilities muna tayo.”

Mas lalo pang dumami ang fans and social media followers ni DJ Loonyo dahil nagba-vlog na rin siya ngayon. Sa kauna-unahan niyang video sa YouTube, sinagot ng binata ang ilang katanungan mula sa kanyang subscribers.

Unang tanong, nasaan na kaya siya makalipas ang limang taon? “Five years from now, as a CEO of FSD China. In five years, we already have 50 studios in China.

“Not only in China, mayroon na rin kaming branch sa other countries ’cause the main goal of FSD is to help a lot of Filipino dancers and help a lot of people na maging healthy sa utak.

“Alam mo ‘yon, because the more you dance, the more you take funky classes, the more it affects your brain, the more it affects your life.

“Kung masaya ka sa utak, masaya ka sa puso, masaya ka sa buhay. That’s our culture inside,” paliwanag ni DJ Loonyo.

Plano niyang madala ang kanyang pamilya sa China at magkaroon din ng sariling pamilya. Natatawang chika ng viral dancer, “May isang basketball team na siguro ako n’on. Ang bilis naman.”

Anong feeling na sikat na sikat na siya ngayon? “Yung nangyayari ngayon na viral thing, it’s blessing, it’s an opportunity, it’s a responsibility.

“It’s how you handle it kung gaano mo aalagaan yun, paano magmu-multiply ‘yon. Again, the goal is to inspire, bring a lot of possitivity and joy sa mga tao. My next move?

“Nakikita ko ngayon and I claim it, solo concert, DJ Loonyo in Araneta. Di, joke lang. Why not, di ba? Mangarap tayo nang malaki kasi ang intensiyon naman is to spread a lot of love, right? Ang baliw siguro ng gabing yun kapag nangyari yun!” pahayag pa ng binata.

Handa ba siyang iwan ang career niya sa China para karirin ang showbiz career sa Pilipinas? “I don’t know. Again, I’m praying kung saan ako ilalagay ni God na platform para makapag-inspire pa.

“Ayaw kong kumuha ng job or anyhing na magtatanggal sa akin sa focus sa responsibility ko rito sa China. Then, ang effect niya selfish lang, para sa akin lang, for money or for fame, I don’t like that.

“Ang gusto ko, if ever na tatanggap ako ng trabaho, in line siya sa kung ano yung naiisip ko or ano yung goal ko, yung mission in this world,” aniya pa.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Sa lahat naman ng girls na nagtatanong kung anong mga qualities ang hinahanap niya sa isang babae, sagot ng internet heartthrob, “Number one siyempre God-fearing, yung malapit yung pagtitiwala sa Diyos, kasi over-all package yun. 

“And then of course a woman with wisdom kasi ang ganda nawawala po kasi yan e. And responsible of course, kung mahal niya family niya I believe ganoon din siya pag nagsama kami,” aniya pa.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending