UNTI-unti nang nababawasan ang tubig sa Angat Dam.
Sa datos ng Pagasa Hydrology Division, alas-6 ng umaga ngayong araw ay nasa 193.40 meters na ang water level ng dam.
Mas mababa ito kumpara sa 193.54 meters kahapon.
Nasa 160 ang critical level ng Angat Dam.
Bahagyang bumaba rin ang lebel ng tubig sa mga dam ng Ambuklao, Binga, San Roque, Pantabangan at Caliraya.
Samantala, tumaas naman ang antas ng tubig sa mga dam ng Ipo at Magat habang nananatili sa 77.10 meters ang water level sa La Mesa.
–Radyo Inquirer
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.
What's trending