Pakiusap ni Iza: Wag po nating pandirihan kasi na-experience ko po ito
MAY pakiusap ang Kapamilya actress na si Iza Calzado sa madlang pipol matapos siyang gumaling at mabilis na naka-recover sa coronavirus disease.
Aminado si Iza na hindi naging madali para sa kanya ang pinagdaanan, pero dahil sa pamilya, mga kaibigan pati na ang mga frontliners na nakasama niya sa ospital, nagpakatatag siya para mapagtagumpayan ang kanyang laban kontra COVID-19.
Sa panayam sa kanya ng Magandang Buhay kamakailan, nanawagan ang aktres na sana’y iwasan ang pagbibigay ng stigma ang killer virus.
“Gusto ko lang din po mag-appeal sa lahat ng tao. May I just say this, huwag po natin bigyan ng stigma ang Covid-19. Yung mga taong nakararanas, huwag po nating pandirihan kasi na-experience ko po ito,” pahayag ni Iza.
Aniya pa, maging responsable at marespeto sana ang lahat sa panahon ng krisis.
“Mag-ingat lang po tayo sa kung paano tayo magtanong. Yung pag nagtanong tayo wag na nating tanungin kung saan kaya nakuha kasi sasabihin niya naman sa ’yo kung alam niya ‘di ba?
“Siguro ang importante lang, i-check lang natin sila, kamusta sila, iparamdam natin na na andito tayo para sa kanila.
“Kasi nakakarinig ako ng stories na may nurse daw na hindi pinapasok ng village. Wag po natin gawin yon kasi ang pinaka-importante po ay maging responsable tayo.
“The minute na makaramdam ka ng sakit, and you think COVID na ito, pwede po natin ipaalam agad sa mga nakakasalamuha natin. Kasi karapatan din nila malaman na kailangan nilang mag-ingat.
“Pero pagkatapos non, let’s treat each other with compassion and respect talaga,” sabi pa ni Iza.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.