Brand ng alcohol nanawagan, mag-ingat sa fake! | Bandera

Brand ng alcohol nanawagan, mag-ingat sa fake!

Djan Magbanua - April 08, 2020 - 05:46 PM

PINAG-IINGAT ngayon ang publiko ng Green Cross Philippines tungkol sa mga pekeng alcohol na dala ang kanilang pangalan.

Meron umanong mga sellers ang nagbebenta ng alcohol na iba ang lalagyan sa orihinal.

Paalala ng Green Cross Philippines dapat ay maging mapanuri sa mga produktong binibili.

“Mag-ingat sa mga sellers ng fake Green Cross products. Maging mapanuri at bumili lamang ng authentic Green Cross products from reputable stores para na rin sa safety ninyo at ng inyong pamilya. Isang paalala mula sa Green Cross.” post nila sa kanilang Facebook page

Sinabihan din nila ang publiko na ireport ang mga nagbebenta ng mga pekeng alkohol sa Department of Trade and Industry.

Sa ngayon, may shortage ng alcohol na siyang isa sa mga pananga sa sakit na COVID-19 dahil sa hoarding.

Ilang mga sellers na rin ang nagtatangkang magbenta ng alkohol sa mas mahal na presyo.

Kamakailan lang, isang mag-ina ang nahuli na nagbebenta ng overpriced na alcohol sa Quezon City

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending