Hirit ni Remulla kay Binoe: Idol, wala pong take-2 sa COVID crisis, magtulungan na lang tayo | Bandera

Hirit ni Remulla kay Binoe: Idol, wala pong take-2 sa COVID crisis, magtulungan na lang tayo

Ervin Santiago - April 08, 2020 - 12:16 PM

“IDOL di ko po kayo kaya sa larangan ng action. Matanda na po ako at makunat na ang aking mga buto.”

Yan ang bahagi ng mensahe ni Cavite Governor Jonvic Remulla bilang sagot sa pahayag ni Robin Padilla hinggil sa pagpapatupad ng social amelioration program (SAP).

Ito’y matapos ngang lektyuran ng action star ang gobernador sa mga prayoridad ng Duterte administration sa pagsugpo sa COVID-19 crisis, partikular na ang tungkol sa SAP.

Umapela kasi si Gov. Remulla sa pamahalaan na  hindi lang mga low-income families ang dapat  bigyan ng financial assistance ngayong panahon ng krisis kundi pati ang mga nasa middle-class. Hindi ito nagustuhan ni Binoe at sinagot ang suggestion ng governor.

“Sir Governor alam ni mayor PRRD ang ginagawa niya hindi puedeng sabay sabay sa isang bagsakan dahil limitado rin ang resources ng bansa wala pa tayong collection ng tax.

“Dahil un ang inuna ng administration suspended ang pagbabayad ng TAX ng WORKING CLASS yun pagkasa ng pangulo sa mga oligarchs yun malinaw yun na para sa mga middle class pero ngayon sa pagharap natin sa digmaan laban sa kalaban na hindi nakikita,” bahagi ng Instagram post ni Robin.

ROBIN PADILLA

Narito naman ang sagot ni Gov. Remulla sa aktor na kanyang ipinost sa Twitter at Facebook.

“Idol,

“Idol binoe, pag pasensyahan mo na po ako sa aking tinaghaling kasagutan.  Buong araw po kami naghahanda para sa mass testing ng mga aking kababayan sa Cavite kasama na rin Ang aming mga kapitbahay sa Laguna, Quezon, Batangas, at Rizal.  

“Inako na po ng aming lalawigan ang pasan ng pag laban sa Covid sa aming region 4-A.  Sa aming limang lalawigan ay halos 4,000 ang PUI, 300 ang positibo, halos 50 na ang namatay, at 19,000,000 na buhay ang na epektuhan.   

“Araw gabi ay wala ng inisip ang mga kapwa ka-rehiyon ko kungdi, saan kukuha ng makakain, at paano makakaligtas sa Covid-19.

“Nakakalungkot na minasama mo ang aking panawagan sa ating pangulo.  Pag nasa realidad na buhay ka ay durugo ang puso mo para sa mga nahihirapan.  Hinde po namin iniisip na makipagaway kahit kanino.  

“Wala pong Oligarch, wala pong mahirap, wala pong makapangyarihan sa mata ng Covid. Ako lamang ay nagpanayam sa ating pangulo na baka sakali matugunan niya ang pangangailangan ng middle class.  

“Ngunit na ngayon ay may sinabi ka na parating na tax-break para sa naepektuhan ay luma laki ang pagasa na malulutas na ang problema ng karamihan.

“Hinde po naman namin intensyon na makadagdag pa sa problema ng Pangulo. Nasa balikat niya ang bigat ng problema ng lagpas isang daan milyon Pilipino.  Ngunit di ko rin naman kayang talikuran ang kahirapan sa aming mga lansangan.  

“Kailangan bigyan ng boses ang walang kakayahan pumasok ng malacanang.  Wala pong take-two sa krisis ng Covid.  Pag ikaw ay tinamaan ng matinde ay pack-up shooting na ang buhay mo.  Kaya araw-araw, solusyon na praktikal sa problemang radikal ang aming hinahanap.

“Idol, di ko po kayo kaya sa larangan ng action. Matanda na po ako at makunat na ang aking mga buto.  Sana po magtulungan na lang tayo.  Ako na bahala sa mga tao ko.  Ipaglalaban ko sila hanggang kamatayan. But please don’t waste the people’s time by engaging in talk that does not help. 

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“People are suffering. They are hungry. They are insecure about what the future brings. The least we can do is to give them hope of surviving another day and give them the sincerity of service that they expect.  

“I am one with the President as you are. I serve at his pleasure and I am committed to the people of Cavite.”

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending