Ordinansa para sa risk allowance ng brgy health workers kailangan
NANAWAGAN si BHW Rep. Angelica Co sa mga lokal na pamahalaan na agad na magpasa ng ordinansa para maipatupad ang Administrative Order 28 na magbibigay ng special risk allowance sa mga barangay health workers na bahagi sa paglaban sa coronavirus disease 2019.
“The grant of the SRA through Administrative Order No. 28 is a significant acknowledgment of the critical and urgent services the currently deployed BHWs perform in this national public health emergency,” ani Co.
Ang mga barangay health workers ay kabilang sa mga nagbabantay ng mga checkpoint sa iba’t ibang lugar sa bansa.
“Lahat po ng BHWs na nagmamalasakit sa komunidad sa mga health care centers, sa checkpoints, at nagbabahay-bahay sa kani-kanilang barangay upang i-monitor ang mga PUIs at PUMs ay kasamang mabibigyan ng special risk allowance.”
Sa ilalim ng AO 28 ang mga lokal na pamahalaan ang magpapasa ng ordinansa upang makapaglaan ng kinakailangan pondo sa ibibigay sa risk allowance.
“To be fully realized, the LGU action is needed for the appropriation of their local funds for the SRA of barangay health workers physically reporting for COVID-19 duty at hospitals and other health care facilities and performing the roles enumerated in Section 2 of AO 28.”
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.