'Hangga't may pasaway na Pinoy matagal pa tayo sa game over!'  | Bandera

‘Hangga’t may pasaway na Pinoy matagal pa tayo sa game over!’ 

Ervin Santiago - April 07, 2020 - 02:07 PM

DEKLARADO na ang ekstensiyon ng enhanced community quarantine hanggang sa katapusan ng buwang ito. 

Sa paliwanag ng DOH at ni Pangulong Rodrigo Duterte ay hindi pa bumababa ang bilang ng mga may COVID-19 sa ating bansa kaya kailangan pang palawigin ang ECQ.

    Ang tinuunan ng paksa ni PRRD ay ang mga kababayan nating pasaway, ‘yung mga taong pinagbabawalan na ngang lumabas ng bahay, pero umaastang parang may siyam na buhay na hindi mahahawa ng virus.

    May mga nakikipag-inuman pa rin, may mga namamasyal na parang walang salot na bumabagabag sa buong mundo, habang may kababayan tayong hindi sumusunod sa mga ipinagbabawal ay wala tayong maaasahang pagbaba ng bilang ng mga nagkakaroon ng mikrobyong nakamamatay.

    Sana naman ay makinig na sila sa payo ng mga doktor, tigilan na ang pagsasama-sama lalo na ang pag-iinuman, dahil siguradong may posibilidad na magkaroon sila ng virus.

    Hanggang hindi tayo nagpapairal ng disiplina ay padagdag nang padagdag ang bilang ng mga kababayan nating nagkakahawahan ng virus.

    Una ay ang kanilang mga sarili, pangalawa ay ang maaari nilang mahawahan, harinawang magising na ang mga pasaway para makaahon na tayo sa matinding indultong ito.

    Hindi natin nakikita ang ating kalaban, parang multong basta na lang umaatake ang corona virus, wala tayong tanging armas sa ganitong klase ng giyera kundi disiplina at panalangin lang.

 * * *

Tuloy lang ang laban! Nagkaroon man ng ekstensiyon ay wala naman tayong magagawa kundi ang sumunod lang sa ipinag-uutos ng pamahalaan at ng DOH.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

    Sabi nga namin ay sa basketball lang may hatid na pag-asa ang extension, hindi sa ganitong sitwasyon, dahil ang ibig sabihin nito ay karagdagang sakripisyo para sa ating mga kababayan.

    Maraming hirap pa ang ating pagdaraanan, dagdag na pagtitiis pa, hanggang sa maging game over na ang giyerang ito na hindi naman natin nakikita ang ating kalaban.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending