5 paraan upang alalahanin ang Semana Santa kahit may quarantine
KAKAIBA ngayon ang magiging pag-aalala sa Semana Santa ng humigit-kumulang 85 milyong Katoliko sa bansa.
Bunsod ng enhanced community quarantine upang hindi kumalat ang COVID-19 ay sarado ang mga simbahan at iba pang mga lugar na dinadayo ng mga deboto, gaya ng Kamay ni Hesus shrine at Mount Banahaw sa Quezon at Tatlong Krus sa Laguna, kaya wala munang magaganap na Visita Iglesias, Pabasa, prusisyon at Salubong.
Pero hindi ibig sabihin ay kanselado na ang Kuwaresma ngayong panahon ng lockdown, narito ang ilang paraan upang mairaos nang may kabuluhan at taimtim ang banal na linggo.
‘Dumalo’ sa Misa
Sarado man ang mga simbahan, “makadadalo” ka pa rin sa Misa na ipinapalabas sa TV o sa online sa pamamagitan ng live streaming mula sa Radyo Veritas, Society of Saint Paul, Diosce of Cubao, at Quiapo Church. Magandang bonding ng pamilya ang Misa dahil sabi nga, the family that prays together, stays together.
Magdasal ng Rosaryo
Ginagawa ang pagrorosaryo bilang pagninilay sa buhay ni Maria at sa buhay, kamatayan at muling pagkabuhay ni Kristo.
Ayon sa marami, nakakalma umano ang paulit-ulit na pagdarasal, na kailangan ng marami na nangangamba sa pagkalat ng virus.
Magkumpisal
May suhestiyon dito si Pope Francis: “If you cannot find a priest to confess to, speak directly with God, your father, and tell him the truth. Say, ‘Lord, I did this, this, this. Forgive me,’ and ask for pardon will all your heart
Manood ng religious o Bible-based na pelikula
Itigil muna sandali ang panonood ng mga K-drama at mga patok sa Netflix na Kingdom o Money Heist, at muling panoorin ang Jesus of Nazareth, Jesus Christ Superstar, The Passion of the Christ at King of Kings at alalahanin ang mga ginawa niyang sakripisyo para sa sangkatauhan.
Tumulong
Imbes na maghasik ng mga kanegahan, makipag-argumento at magreklamo online, bakit hindi magkalat ng positive vibes sa pamamagitan ng pagse-share ng mga kabayanihan ng mga frontliners, pulis, sundalo, volunteers at mga donors?
At Kung may sobra namang supplies o pera, tumulong sa mga higit na nangangailangan. Ayon nga sa Hebrews 13:16: “And do not forget to do good and to share with others, for with such sacrifice, God is pleased.”
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.