Napagkamalang baboy-ramo... mangangaso napatay ng kasama | Bandera

Napagkamalang baboy-ramo… mangangaso napatay ng kasama

John Roson |April 06,2020
facebook
share this

Napagkamalang baboy-ramo… mangangaso napatay ng kasama

John Roson - April 06, 2020 - 01:05 PM

NASAWI ang isang mangangaso nang mabaril ng kanyang kasama, matapos umanong mapagkalamang baboy-ramo, sa kasukalan ng Cabugao, Ilocos Sur, kahapon (Linggo).

Nakilala ang biktima bilang si Reynaldo Tatson, 49, ayon sa ulat ng Ilocos regional police.

Kusa namang sumuko sa mga awtoridad ang suspek na si Melchor Tatson, 28.

Naganap ang insidente sa Sitio Caset, Brgy. Maradodon, t naiulat sa pulisya dakong ala-1:45 ng hapon.

Sadyang nagtungo sina Reynaldo, Melchor, at apat pa katao sa masukal na bahagi ng sitio para maghanap ng makakaing baboy-ramo.

Lumabas sa imbestigasyon na habang nakapuwesto sa isang mataas na lugar si Melchor ay di nito napansing gumapang si Reynaldo patungo sa dawagan.

Kasunod nito’y napansin ni Melchor ang isang itim na ulo 15 metro mula sa kinatatayuan at inakalang ito’y baboy-ramo, kaya pinaputukan ng kanyang homemade 12-gauge shotgun, ayon sa ulat.

Gayunman, paglapit sa kanyang target ay bumulaga kay Mechor ang nakahandusay na si Reynaldo, at nakitaan ito ng tama ng bala sa katawan.

Matapos ito’y sumuko si Melchor sa barangay chairman ng Maradodon, na siya namang nag-ulat ng insidente sa pulisya.

Nasa kostudiya na ng pulisya si Melchor at kanyang baril, para sa posibleng pagsasampa ng kasong reckless imprudence resulting in homicide. 

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending