Heart nagpaka-fairy godmother sa socmed; nakiusap sa mga manloloko | Bandera

Heart nagpaka-fairy godmother sa socmed; nakiusap sa mga manloloko

Ervin Santiago - April 04, 2020 - 02:17 PM

HEART EVANGELISTA

NAGPAKA-FAIRY godmother muli ang Kapuso actress na si Heart Evangelista sa ilang kababayan nating hirap na hirap na sa buhay dahil sa ipinatutupad na lockdown sa bansa.

Sa Twitter, in-announce ni Heart na pipili siya ng ilang netizens na magpapadala sa kanya ng direct message tungkol sa kanilang kinakaharap na sitwasyon sa gitna ng coronavirus pandemic.

Kasabay nito, nakiusap ang misis ni Chiz Escudero sa kanyang social media followers na magpakatotoo at maging honest sa kanilang mga wish.

“Please be honest with me. I just wanna help as much as I can … give chance to others. I still sent help 2x kahit alam ko you’re the same person knowing you might just be in a bad place. But I know,” pahayag ni Heart.

Bukod dito, masaya ring ibinalita ng aktres na may siyam na siyang natulungan kasabay ng pagtupad sa kanilang mga hiling ngayong panahon ng health crisis.

“Wow thank you online for allowing us to send blessings today. naka 9 po kami. to all my pending sa DM bukas po ulit… to everyone else don’t worry I’ll be back po same time tomorrow,” sey pa ng Kapuso actress.

Narito ang ilang wish ng netizens kay Heart:

Mula kay @Lenlengrageda, “Hello po Ms. Heart. sana po isa ang anak ko sa mapili po. 7yrs old PWD naoperahan din po sa puso noong August 8,2019. No work no pay po ang asawa ko (dalawa po ang anak namin) Sana po isa po kami sa palaring matulungan mo. Salamat po.”

Hiling naman ni @mhieannroquecnn, “Hello po. Magbabakasakali po ako ma’am heart. Everyday ako nagtutweet baka matulungan nyo po kmi. 3 families po kami sa bahay. Tricycle driver po si tatay. 4 babies po Ang need dumede Wala napong mabilhan ng gatas. May isang buntis na ondue po. Hope na matulungan nyo po kami.”

“Sana matulungan niyo din po kami. Meron po akong Newborn baby pareho po kami ng partner ko di makapag hanap buhay gawa ng lockdown. Sana mapansin nyo po mga tweet ko. Di po ako mawawalan ng pag asa na mapapansin nyo rin po ako para sa Anak ko. Maraming salamat po!” mensahe ni @rrcc219.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending