Robin, Arnell todo-tanggol kay Duterte: Grabe! Ang hirap tulungan ng mga Pinoy! | Bandera

Robin, Arnell todo-tanggol kay Duterte: Grabe! Ang hirap tulungan ng mga Pinoy!

Ervin Santiago - April 04, 2020 - 08:24 AM

ROBIN PADILLA

TODO pagtatanggol ang ginawa nina Robin Padilla at Arnell Ignacio laban sa mga bumabanat kay Pangulong Rodrigo Duterte dahil sa banta nitong “shoot them dead” sa leftist group.

Ito’y may koneksyon din sa panawagan ng ilang sektor na patalsikin ang Pangulo sa pwesto sa gitna ng health crisis sa bansa dulot ng COVID-19 pandemic.

“Alam mo we are ready for you. Gulo o barilan o patayan, I will not hesitate my soldiers to shoot you. I will not hesitate to order the police to arrest and detain you.”

 “Huwag ninyo akong takutin ng gulo-gulo kasi kung gusto talaga ninyo ng gulo, guguluhin natin ang bayan natin tutal wala pa namang pagkain.

“Kung gusto ninyo nung barilan, e, di sige. Gusto ninyo ng pukpukan, sige. I will not hesitate.

“My orders are sa pulis pati military, pati mga barangay, na pagka ginulo at nagkaroon ng okasyon na lumaban at ang buhay ninyo ay nalagay sa alanganin, shoot them dead,” ang bahagi ng pahayag ni Duterte.

Kagabi, nilinaw ng Pangulo ang tungkol dito, “Wala akong sinabi… Remember this, abogado ako. I never said in public shoot to kill, period. Sinabi ko… always ‘yan maski ‘yung sa human rights diyan sa UN, if you think that your life is in danger, maging biyuda ang asawa mo na maganda, mag-asawa uli, at ang mga anak mo mawalan ng tatay, ‘pag tiningnan mo na delikado ang buhay mo, patay, unahan mo na, patayin mo.”

Ayon sa loyal supporter ni Duterte na si Robin Padilla, hindi ito ang tamang panahon para kontrahin at batikusin ang administrasyon, “Hindi ito ang oras para magpagalingan sa salita at tula lalo ng talumpati nakalipas na ang panahon na yun sapagkat ito na oras ng aksyon at paglakad kung maari ay pagtakbo upang makagawa ng mabuti hindi lamang sa kapwa kundi para sa sarili unang una.

“Ang virus na ito ay panggising sa ating mga mundo at ang nakikinabang ng higit ay ang Inang kalikasan marami ang namamatay at nagsasakripisyo kayat ang kanilang pagiging mga martyr kailanman ay hindi kalilimutan ng Inangbayan may mga napapabayaan ng nga LGU pero yun ang paraan para makilala ninyo ang inyong mga pinuno meron naman tumutulong ng walang kapalit.

“Hindi sa nais na magpakilala kundi dumaramay lamang at nakikipagkapwa tao ang buong mundo ay mababago at mag uumpisang muli hindi mainam na maiwan tayo sa nakaraan at mabuhay pa rin sa pagbatikos.

“The world itself is changing and we cannot stop it walang sinoman ang makakakontra sa pag ikot ng mundo at ng ating mga buhay this is the time to make something out of ourselves our reel lives has just passed Alhamdulillah Praise God for all his blessings he prepared us well for this very real, very tough and very rough times maging pangpalakas tayo sa iba at maging pangpalakas natin ang iba we are at war ladies and gentlemen let us use our bodies and mouth including our resources to fight for the survival of Humanity.

“Kung wala tayong sasabihin na totoo at hindi makakatulong sa laban mainam ay manahimik at tumulong na lang sa mga frontliners o sa mga malalapit ninyong kapitbahay na naghihirap at naghihikahos.

“Magtiwala tayo sa Panginoong Maylikha dahil nasa kanya ang awa kumilos tayong lahat dahil nasa atin ang gawa nobody will do the battle for us in this war! all of us are in this war!

“All of us are soldiers this is not the time for politicking and speeches destabilizing the GOVERNMENT now is clear treason.

“We cannot surrender the fight we fight together we will win! we fight among ourselves we lose….and we cannot be the author of our own extinction as filipinos God forbid God have mercy,” mahabang mensahe ni Binoe na ipinost niya sa Instagram.

Gigil na gigil din ang TV host-comedian na si Arnell Ignacio sa mga nais patalsikin si Duterte, “Ano naman itong mga kumakalat at mga nag-iimbita kayo ng ‘oust Duterte, oust Duterte’ at sinabi niyo sa Facebook siya nagbuhos, at sa Facebook niyo siya pababagsakin?

“Sa panahong ito, ‘yan pa ang naiisip ninyo? Susmaryosep, ano bang klaseng… where are you coming from? Ano ba talagang… ang hirap tulungan ng Pilipino. Grabe!

“E, ako mismo, si Presidente gusto mo nang hatakin, e, ‘Mayor, halika na, hayaan mo na ‘yang mga Pilipino na ‘yan.’

“E, pagkaganun, baka ikaw pa batukan nun. Dahil mahal niya talaga ang mga Pilipino, e, kahit na anong pambabastos, kahit na anong pambabatikos, kahit anong pinaplano niyong pabagsakin siya, at pinanalangin niyo pang mamatay.

“Wala, ang sagot niya pa rin, ‘Mahal ko yung mga Pilipino, e. Di ko kaya yun.'”

Nilinaw din ni Arnell na ang tinutukoy ni Duterte sa kanyang “shoot them dead” order ay ang mga makakaliwa, “Magkatapatan tayo, ang Pilipino ba madaling pasunurin? Napakahirap pasunurin. Simpleng trapik lang, hindi sumusunod, e.

“Sa ganitong krisis, ang hirap, kung anu-ano pa ang nangyayari, ayaw niyong pakilusin nang todo ang mga enforcers natin?”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Kanino niya ina-address ito?Sinasabihan niya ang mga sundalo niya at pulis, ‘Kapagka ang buhay ninyo, e, mati-threaten na dahil sa gagawin nitong mga nanggugulo na ito, barilin mo.'”

“It’s incredible that something so basic, so elementary needs to be explained to you. Oo, talaga lang, kasi iba ang pinanggalingan niyo. It’s either that o mga summa cum laude kayo sa kabobohan.”

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending