‘Sa QC sana naging mayor si Vico Sotto kung…’
MAY community quarantine man o wala, naging ugali na ng TV host na si Butch Francisco na mag-stock ng pagkain sa bahay.
Bago pa man nagkahigpitan sa pamimili, may stock na siyang bigas (para sa kanyang stay-in driver). Brown rice naman ang sa kanya, he being a health buff.
Nitong huli naming pag-uusap sa telepono ay curiuos kaming malaman kung anu-anong mga pagkain ang naimbak niya.
“May ilang kilo akong hilaw na karne sa ref, may chicken. Sa mga de lata naman, may (imported) luncheon meat, corned beef. But the canned goods are the last to go habang may natitira pang puwedeng kainin,” aniya.
Sa katunayan, ang sobrang pagkaing meron siya tulad ng siomai, hundreds of which ay pinamili niya ay ibinahagi niya sa mga nakatalagang security guard sa subdivision kung saan siya nakatira.
“Ever since, ang feeling ko parang nasa Japanese Occupation pa tayo (na hindi niya inabot). Kailangan talagang humanap ng paraan to survive. Kapag naubos ang lahat ng ito, may tanim akong malunggay sa bakuran ko, ilaga ko lang, timplahan, eh, ‘di may kakainin na ‘ko!” paliwanag niya.
* * *
Still on Butch, bago pa man siya nagsolo ng tirahan ay may naipundar nang bahay ang kanyang pamilya sa La Vista, isang exclusive subdivision sa Katipunan area sa Quezon City.
Alam ni Butch ang kasaysayan ng pangmayamang lugar na ‘yon maging ang mga naunang nanirahan doon.
Naikuwento niya sa amin na muntik nang makabili sa La Vista si Coney Reyes. Ito ‘yung panahong nagho-host pa siya sa Eat Bulaga (after her stint in Student Canteen) na ang studio’y nasa Celebrity Sports Plaza.
That time ay may ibang buyer na “nakasulot” kay Coney, disin sana’y five-minute drive lang ang studio ng Eat Bulaga mula sa La Vista.
Ang ending: nakahanap si Coney ng swak na bahay sa Valle Verde V sa Pasig City, tama lang para sa kanya at noo’y dalawang anak na sina LA at Carla by former cager Larry Mumar.
Alam ng lahat na namuo ang relasyon nila ni Vic Sotto noong mapabilang na siya sa Eat Bulaga. Taong 1989 noong isinilang ni Coney ang kanyang third child, si Vico na ngayo’y headliner sa paraan ng kanyang crisis management sa COVID-19.
Kung nagkataon palang kay Coney napunta ang inaasintang La Vista residence, hindi malayong isang residente ng Quezon City si Vico.
If so, posibleng si Vico ang ibinotong mayor sa nasabing lungsod.
Ayaw ni Joy Belmonte ng ganyan!
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.