BUBUKSAN ang pinakamalaking indoor arena sa buong mundo para gawing quarantine facility para sa mga pasyente na may COVID-19
Ito ang inihayag Biyernes ni President at CEO ng Bases Conversion and Development Authority Vince Dizon sa Laging Handa Press Briefing nitong Biyernes.
Pinasalamatan nya ang Iglesia ni Kristo sa pagpayag na gawing quarantine facility ang Philippine Arena.
“Nagpapasalamat tayo sa INC, sa Kapatiran, dahil pumayag na po sila. Inoffer po nilang gamiting ang Philippine Arena para magserve sa Bulacan at Region 3.” ani Dizon.
Nasa 12 na pasilidad naman ang kanilang tinitignan para gawing quarantine facility dito sa Metro Manila.
Sinabi ni COVID czar Carlito Galvez Jr noong Huwebes ng gabi na nagbabalak na silang gawing quarantine facility ang ilang lugar tulad ng Rizal Complex, World Trade Center, Philippine International Convention Center (PICC) at Cultural Center of the Philippines (CCP).
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.