outbrain

Ellen Adarna sa tunay na rason ng paghihiwalay nila ni John Lloyd: Diyos lang nakakaalam

By Ervin Santiago March 30,2020
share this

Ellen Adarna sa tunay na rason ng paghihiwalay nila ni John Lloyd: Diyos lang nakakaalam

By Ervin Santiago March 30,2020
share this

ELLEN ADARNA AT JOHN LLOYD CRUZ

MUKHANG wala na talagang balak si Ellen Adarna na ipaalam sa madlang pipol ang tunay na dahilan kung bakit sila naghiwalay ni John Lloyd Cruz.

Nag-post ang dating sexy star sa Instagram ng video kung saan inilahad niya ang pinagdaanang 14-Day Mental Training sa Bali, Indonesia.

May isang netizen ang diretsong nagtanong kay Ellen kung bakit bigla na lang silang naghiwalay ng tatay ng kanyang anak na si Elias Modesto.

Reply sa kanya ni Ellen, “Only God can answer this question.” Ibig sabihin, talagang hindi siya magsasalita tungkol sa break-up nila ni Lloydie dahil Diyos na ang isinangkalan niya.

Kapag may nagtatanong kay Ellen tungkol sa anak niya at kay John Lloyd, sinasagot niya ito ng pabalang o pabiro. Kung minsan naman ay talagang tinatarayan niya.

Kamakailan lang ay sinupalpal niya ang isang netizen na nagtanong ng, “How old is your child with John Lloyd? Why are you not posting about it?”

Sagot sa kanya ni Ellen, “His father and I are protecting him and his privacy from chismosas like you.”

Samantala, siniguro ni Ellen na okay na okay na uli siya matapos ang kanyang two-week mental training sa Bali. Ito’y matapos nga siyag ma-diagnose ng depression, anxiety at post-traumatic stress disorder.

Sabi niya sa kanyang video, “I don’t really want to talk about it in detail because it’s something really personal.

“Let’s just say that so many things happened all at once, in a span of four months, or less than four months… everything happened. All the bad things that I imagined happened and it was very traumatic.”

Pagpapatuloy pa niya, “At that time, I didn’t know what it was. I never had that anxiety that serious.

“At first, I thought I was gonna die because everything was getting hard. My muscles were getting so stiff like I couldn’t breathe and I was just very sad. I was in a very dark place for two, almost three years.”

Aniya, 101% okay na siya, “No more meds and sadness… just love and smiles. I am out of that black hole.” 

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending