Marcus Smart ligtas na sa COVID-19 | Bandera

Marcus Smart ligtas na sa COVID-19

- March 30, 2020 - 02:50 PM

Ligtas na sa coronavirus ang NBA player na si Marcus Smart.

Sampung araw na ang nakalipas nang mag-positibo sa COVID-19 ang Boston Celtic guard na si Smart pero sa panibagong test sa kanya ay negatibo na ito sa virus.

“Corona Free as of two days ago. Cleared by Mass (Massachusetts) Dept of Health,” saad ni Smart sa kanyang social media account. “Thanks for everyone’s thoughts and prayers and I’m doing the same for everyone that’s been effected by this. Stay safe and stay together- apart! Much love!”

Umabot sa 14 na NBA team members ang nahawa sa COVID-19 kabilang ang dating Most Valuable Player ng liga na si Kevin Durant ng Brooklyn Nets.

Tulad ni Smart ay gumaling na rin sa naturang sakit sina Rudy Gobert at Donovan Mitchell ng Utah Jazz at si Christian Wood ng Detroit Pistons.

Sinabi ni Smart na hindi siya nagkaroon ng sintomas tulad ng ubo, lagnat o sipon nitong nagdaang dalawang linggo.

Samantala, nakipagkasundo umano ang dating NBA start na si Stephon Marbury sa isang Chinese manufacturer para magpadala ng 10 milyong protective mask sa New York.

Si Marbury, na taga-New York at dati ring manlalaro ng Knicks, ay kasalukuyang coach ng Beijing Royal Fighters sa China.

“At the end of the day, I’m from Brooklyn,” sabi ni Marbury sa isang panayan ng The Post.

“This is something that’s close and dear to my heart as far as being able to help New York. I have family there in Coney Island, a lot of family… who are affected by this, so I know how important it is for people to have masks during this time.”

Aniya malaking tulong ang mga facial mask sa mga hospital workers at first responders sa New York na isa sa pinakamatinding tinamaan ng COVID-19 sa Estados Unidos.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending