outbrain

Pamilya Angara nakaranas ng diskriminasyon; pinalalayas sa village

By Dennis Christian Hilanga March 29,2020
share this

Pamilya Angara nakaranas ng diskriminasyon; pinalalayas sa village

By Dennis Christian Hilanga March 29,2020
share this

IBINUNYAG ni Elvira “Tootsy” Angara, asawa ni Sen. Sonny Angara, na nais ng kanilang kapitbahay na lumayas sila sa village na tinitirahan matapos magpositibo ang kanyang mister sa COVID-19.

“As soon as the news came out, some have refused to deliver essentials to our home, a neighbor wished to have us out of our neighborhood, and I don’t blame them,” sabi ni Tootsy sa kanyang Instagram profile nitong Sabado.

Sa kabila ng masamang balita ay may mga nanatiling tumulong sa pamilya Angara.

“To our neighbors who showed us acts of kindness, thank you. I had to reach out and ask for help, our entire household quarantined for 14 days, but family and friends sent us drinking water when we ran out and they sent us oxygen too—the two most essential things in life, water and air.”

Pinasalamatan din ng maybahay ang mga doktor na tumitingin sa asawa.

Inamin ni Tootsy na hindi niya mapigilan ang mapaiyak dahil sa kondisyon ng mister ngunit pinipiling maging malakas lalo na para sa kanilang mga anak.

“I do have moments of weakness where I break down and cry because I miss him a lot and I don’t know what I can do to help. But I choose to be strong and realized that prayer calmed my heart and made me believe Sonny was going to be okay,” aniya.. “I have faith God will help him get through this. The kids and I have to stay healthy physically and spiritually because at this point that is all that counts.”

Huling naghawak-kamay ang mag-asawa habang nagdadasal ng “Ama Namin” sa isang online mass dalawang linggo na ang nakalilipas at mula noon ay marami nang nangyari tungkol sa coronavirus pandemic. Naniniwala si Tootsy na malalagpasan nila ang pagsubok na ito.

“It pains me that I am not able to take care of him the way he took care of me when I was sick. I feel sad that we can’t be there for him and he has to go through this physically alone. It’s lonely for all of us but we know it’s just a matter of time.”

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending