outbrain

Preparasyon ng Blue Eagles para sa UAAP Season 83 napurnada

March 27,2020
share this

Preparasyon ng Blue Eagles para sa UAAP Season 83 napurnada

March 27,2020
share this

 

NAPURNADA na ang preparasyon ng Ateneo Blue Eagles na madagit ang ikaapat na diretsong UAAP men’s basketball championship ngayong taon bunga na rin ng banta ng coronavirus (COVID-19) pandemic.

Nauna nang nailatag ng management ng Eagles ang mga paghahanda nito sa mga susunod na mga buwan kabilang na ang biyahe sa Serbia ngayong Mayo, paglahok sa William Jones Cup sa Hulyo at ang pagsali sa isang pocket tournament sa Australia bago ang pagbubukas ng UAAP Season 83.

Subalit ang kasalukuyang sitwasyon ay nagpatigil sa kanilang mga plano ayon kay team manager Epok Quimpo sa panayam ng Inquirer.

“At the rate things are going, it’s really hard to plan ahead,” sabi ni Quimpo. “We just have to be ready for every scenario.”

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending