outbrain

Lagot: Elmo Magalona nag-sorry sa bagong dyowa, umamin sa kasalanan

By Ervin Santiago March 26,2020
share this

Lagot: Elmo Magalona nag-sorry sa bagong dyowa, umamin sa kasalanan

By Ervin Santiago March 26,2020
share this

SIGURADONG ikina-shock at ikinagalit ng  bagong girlfriend ni Elmo Magalona ang pag-amin ng aktor sa kanilang relasyon.

Grabe kasi ang paghingi ng sorry ni Elmo sa kanyang dyowa at sa pamilya nito matapos ibandera sa buong mundo ang sweet photos nila ng non-showbiz girl sa kanyang social media account.

Hindi naman itinodo ni Elmo ang pagpapakilala sa kanyang girlfriend na tinawag lang niya sa pangalang “Ry” pero kitang-kita naman ang mukha nito sa mga litratong ipinost niya.

Pero mukhang hindi nga nagustuhan ng girl ang ginawa ng aktor kaya agad niyang tinanggal ang kanyang “anniversary post” kasabay ng pag-amin na hindi nga siya nagpaalam na isasapubliko na niya ang kanilang isang taong relasyon.

“I feel like I need to share to everyone why I removed my post from yesterday. I should have been more considerate. I posted without telling anybody,” ang mensahe ni Elmo sa kanyang mga followers na tila isa ring public apology para sa bagong GF at sa pamilya nito.

Aniya pa, “Honestly, it was irresponsible thinking. I’d like to apologize to her, and her family for my actions and putting them in such a position. 

“I don’t want to be taking away anybody’s privacy from them,” lahad pa ng binata.

Sa huling bahagi ng kanyang post, nakiusap siya sa madlang pipol na dedmahin na lang ang mga nauna niyang post. 

“To everyone reading this, please disregard what I had to share last night. Let’s just focus on what matters right now. Peace to everyone!” sabi pa ni Elmo.

Feeling ng netizens, na-bad trip ang kanyang dyowa pati na ang pamilya nito dahil sa ginawa niyang pagsasapubliko ng identity ni Ry. Baka raw ayaw nitong pagpiyestahan sila ng publiko dahil pribado nga naman ang kanilang buhay.

May ilan namang naawa kay Elmo dahil kung tutuusin ay wala naman siyang ginawang masama at nais lang niyang ipagsigawan sa buong universe ang pagmamahal niya sa girlfriend.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending