Kaso ng COVID-19 sa QC umabot na sa 87; pumanaw nasa 13 na
UMABOT na sa 87 ang kumpirmadong kaso ng coronavirus disease sa Quezon City, na mahigit 30 porsiyento ng kabuuang bilang ng mga kaso ng COVID-19 sa Metro Manila.
Umakyat na rin sa 13 ang nasawi sa lungsod dahil sa deadly virus.
Base sa ulat ng lokal na pamahalaan ng Quezon City, Huwebes ng umaga, nakapagtala ng 15 panibagong kaso ng COVID-19.
Naitala ang 15 kaso Miyerkules ng gabi sa mga barangay ng Siena, Sto, Cristo, Bagong Lipunan Crame, Culiat, Manresa, Matandang Balara, Ugong Norte, Kalusugan, San Isidro Galas, Valencia, at Tandang Sora.
Nadagdagan din ang mga pumanaw sa tatlo, dahilan para umakyat ang mga nasawi sa 13.
Nananatili pa rin sa pito ang mga gumaling sa deadly virus.
Tinatayang 50 barangay sa Quezon City ang apektado ng COVID-19, kung saan 13 barangay ang nasa “extreme enhanced community quarantine.”
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.