KC Concepcion nagmakaawa na sa gobyerno, private sector: More medical centers please!
NAGMAKAAWA na si KC Concepcion sa pamahalaan at private sectors na kung maaari ay unahin na ang paggawa ng makeshift medical centers para sa COVID-19 patients at frontliners.
Ito’y sa gitna ng pagkabahala at pagkadismaya ng maraming Pinoy sa balitang hindi na tatanggap ng mga COVID-19 patients ang ilang private hospitals sa Metro Manila dahil sa overcapacity.
Ilan sa mga tinukoy na ospital ay ang St. Luke’s Medical Center sa Quezon City at Bonifacio Global City; The Medical City sa Pasig City; at Makati Medical Center.
Dahil dito, sinabi ni KC (Philippine ambassador for World Food Programme ng United Nations International Children’s Emergency Fund (UNICEF) na mahalagang magkaroon agad ng makeshift medical centers sa Luzon para mas madaling makontrol ang pagdami pa ng COVID-19 cases sa bansa.
Idinaan ni KC sa Twitter ang pakiusap sa gobyerno pati na rin sa non-government organizations at private sectors.
Mensahe ni KC, “More medical care & ICU-equipped centers need to be created / built as soon as possible.
“This should be a huge priority right now – to be able to accommodate as many patients as possible to receive better care and have a chance to heal and recover. Pls Government or NGOs!” tila pagmamakaawa pa ni KC sa mga otoridad.
Pagpapatuloy pa niya, “Even St. Lukes QC & BGC is full now — please build new medical centers for CoVid-19 patients ASAP!!!!
“As soon as today!!! We need to be able to house incoming patients with ICU-level equipment!!!
“Let’s go PHILIPPINES!”
Dagdag pa niya, “Also apparently distant from residential areas – medical staff should be able to park and eat there, be housed in hotels nearby, etc.
“Just hope this is prioritized. Hospitals are turning down patients already.
“What’s the point if our gov’t will allow patients to be turned away?”
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.