Higher wage for health workers dapat lang
HINDI masisisi ang mga Filipino health workers kung magtrabaho sila sa ibang bansa.
Kahit kasi sapat ang kinikita ay kinakapos pa rin dahil sa mahal na presyo ng bilihin at serbisyo sa Pilipinas.
Kung sila ang tatanungin, mabigat din para sa kanila na mawalay sa pamilya. Sino ba naman ang gustong mapag-isa sa malayo para alagaan ang iba habang hindi nasusubaybayan ang paglaki ng anak.
Ito ang realidad–kaunting sakripisyo para sa tumataginting na salaping kikitain abroad para sa pag-aaral ni bunso, pambayad sa utility bills at pangkain sa araw-araw.
Sa Amerika na paboritong destinasyon para guminhawa ang buhay, pumapalo sa P310,000 ang monthly salary ng registered nurses na halos 10 beses ang laki kumpara sa Pilipinas. Sa Middle East, maaari silang kumita ng P204,000 kada buwan habang sa Europe ay nasa P250,000-P300,000 per month ang sweldo.
Nasa first tranche ngayon ng Salary Standardization Law V ang salary grade ng government employees kasama na ang medical professionals.
Ibig sabihin, nakatatanggap effective January 2020 ang mga Nurse 1 ng monthly salary na P32,053.
Look: https://governmentph.com/ssl-5-table/
Naipanalo ng government nurses ang kanilang isinampang kaso matapos ang apat na taon nang iutos ng Supreme Court noong October 2019 na dapat ay salary grade 15 ang kanilang matanggap imbes na 10-11.
Pinanigan ng Kataas-taasang Hukuman sa en banc session nito ang Section 32 ng Republic Act 9173 o ang 2002 Philippine Nursing Act. Sinasabi rito, “the minimum base pay of nurses working in public health institutions shall not be lower than salary grade 15.”
Ang rural health physician ay sumusweldo ng P85,074 sa ilalim ng salary grade 24. Malayo ito sa limpak limpak na maaring kitain kada buwan kung nasa private practice.
Ang ibang medical personnel gaya ng Medical Technologist 1 ay may basic pay na P 22,316, Radiologic Technologist 1, P17,505 at Physical Therapist 1 (Grade 10), P20,219.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.