outbrain

Kikitain ni Ivana Alawi sa pagiging ‘carwash girl’ ido-donate sa COVID-19 crisis

By Ervin Santiago March 23,2020
share this

Kikitain ni Ivana Alawi sa pagiging ‘carwash girl’ ido-donate sa COVID-19 crisis

By Ervin Santiago March 23,2020
share this

NAGPIYESTA na naman ang male fans ng bagong Pantasya ng Bayan na si Ivana Alawi! 

Viral ngayon ang video ni Ivana kung saan mapapanood ang kanyang pagiging “Car Wash Girl” na talaga namang patok na patok sa mga kalalakihang.

Isang araw pa lang naka-post ang bagong vlog entry ng sexy star sa kanyang YouTuhe channel pero umabot na sa mahigit 2 million ang views nito at libu-libong likes and comments.

Ayon kay Ivana, lahat ng kikitain ng kanyang “Car Wash Girl” video ay ido-donate niya sa mga Pinoy na nawalan ng trabaho dahil sa nagaganap na health crisis sa bansa dahil sa COVID-19 pandemic.

“Sana napangiti ka namin kahit konti habang nanonood kayo. Masyado nakakalungkot ang mga nangyayari sa mundo ngayon pero naniniwala ako na malalampasan natin ito. 

“Ido-donate ko lahat ng kikitain ng video na ito sa mga nangangailangan. Spread love & prayers,” pahayag ni Ivana sa kanyang YouTube channel kung saan nga mapapanood ang paglilinis niya ng sasakyan.

Ayon pa sa dalaga, mula nang ipatupad ang lockdown sa Luzon, napakarami na niyang nagawa sa kanilang bahay at nag-iisip siya ng paraan para mas maging productive.

“Nakakulong ako dito sa bahay ng isang buwan. Naghahanap ako ng mga gagawin and nalinis ko na ‘yung buong bahay so ngayon sinabi ko parang ngayon, gusto ko naman maghugas ng kotse so ako ang magiging carwash girl niyo today,” pahayag ni Ivana.

 

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending