Paano makakakuha ng tulong kay Maine ang mga nawalan ng trabaho? | Bandera

Paano makakakuha ng tulong kay Maine ang mga nawalan ng trabaho?

Ervin Santiago - March 22, 2020 - 11:56 AM

MAINE MENDOZA

MULING nanawagan si Maine Mendoza sa lahat ng mga kababayan natin na nais makatanggap ng tulong mula sa kanyang DoNation Drive sa gitna ng pakikipaglaban ng buong mundo kontra COVID-19.

Sa kanyang official Facebook page, muling ipinaalala ni Maine ang pamimigay nila ng pera sa mga pamilyang Pinoy para maipambili ng pagkain at iba pang pangangailangan (via Gcash).

In-update ni Maine ang nauna niyang FB post tungkol sa paraan ng paghingi ng tulong sa kanila. Narito ang mensahe ng Phenomenal Star.

“DoNation Drive’s (Yahoo) mail has malfunctioned. I have been trying to fix the problem since last night but I cannot seem to get it to work. I’ve tried google-ing for solutions and took some instructions from Twitter peeps as well but none of it worked.

“So I decided to just create a new email. From now on, please send your emails to: [email protected].

“If you could indicate your occupation and age on the title part, please do. And do not forget to attach photos of your ID and proof of employment (for some)/any proof of your job. Do not forget to put your g-cash registered numbers, too.

“TANDAAN: WALA PO TAYONG PINIPILING TRABAHO. Sa madaling salita, kahit sino pwede. PUV driver, construction worker, palengke vendor, helper/kasambahay, mangingisda, magsasaka, maintenance, technician, street sweeper atbp. Pwedeng-pwede po.

“And if you know someone who needs help/assistance in this time of crisis (sila nanay, tatay, lolo, lola na nasa palengke o kalsada) please be the one to send an email for them. I’d appreciate it so much! Maraming salamat po!”

Bago ito, sinagot ni Maine ang ilang netizens kung lahat ba ay pwedeng humingi ng tulong sa DoNation Drive. Sagot ng dalaga, “Sa lahat po ng nagtatanong: 

“Pwedeng-pwede po ang mga PUV drivers (tricycle, jeep, bus etc.) Magsend lang din po ng driver’s license at operator’s permit/TODA ID.

“Pati po mga construction workers, street/market vendors, labandera at iba pang mga trabaho na walang maibibigay na proof of employment. Magsend lang din po ng litrato na magpapatunay na iyon po ang inyong trabaho/hanap-buhay at kahit anong uri ng ID.

“Kahit ano po ang trabaho niyo, pwedeng-pwede po kayo magsend ng email. 

“Sa mga may kakilala naman po na lubos na ngangailangan at walang telepono, gcash, o email na maaaring gamitin, pwede din po na kayo ang mag-email para sakanila. Lalo na po yung mga street sweepers/vendors po natin na hindi naman techy. 

“Huwag niyo lang din po kalimutan ilagay ang inyong cellphone number na nakaregister sa GCASH. Kung wala po kayong Gcash account, idownload niyo lang po yung application at irehistro ang iyong numero. Libre lang po ang pag-register. Kung wala pong data o internet, makiconnect nalang po muna sa kapitbahay.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Salamat po! Mag-ingat po tayong lahat!”

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending