Coney Reyes kay Vico Sotto: Mana sa tatay niya! | Bandera

Coney Reyes kay Vico Sotto: Mana sa tatay niya!

Leifbilly Begas - March 21, 2020 - 12:57 PM

VIC SOTTO, VICO SOTTO AT CONEY REYES

“MANANG-MANA sa ama!” Yan ang reaksyon ng veteran actress na si Coney Reyes sa pampa-good vibes na video ng kanyang anak na si Pasig City Mayor Vico Sotto.

Viral ngayon ang video ng alkalde sa social media kung saan mapapanood ang pagpasok niya sa City Hall kamakailan para kumustahin ang mga kaganapan doon.

Makikita rito kung paano dumaan si Vico sa disinfection protocol bago makapasok sa City Hall ng Pasig. Dito sinunod niya ang pagtaas ng kamay habang nilapitan ng nag-i-spray ng disinfectant.

Tinanggal din ng binata ang kanyang sapatos para pati paa niya ay malinisan.

Pero ang highlight ng eksena, pagkatapos ma-disinfect ay biglang humarap si Vico sa at nag-spray ng alcohol sa staff na nag-screen sa kanya. Hirit ng alkalde, “Ikaw naman.”

Sinundan ito ng malakas na tawanan lalo na ng mga kasamahan ni Vico sa City Hall. Bentang-benta sa kanila ang kakulitan ng binata na palagi raw nitong ginagawa para kahit paano’y maibsan ang mga kinakaharap nilang problema sa Pasig.

Nang mapanood naman ito ng nanay ni Vico na si Coney, nasabi nitong lumalabas talaga ang pagiging komedyante ng anak dahil sa positibong disposisyon nito sa buhay.

“I thank God for his sense of humor (which I’m sure he got from his Papa) amidst all that we are experiencing as a people… as a nation,” pahayag ng aktres na ang tinutukoy nga ay ang tatay ni Vico na si Bossing Vic Sotto.

At siyempre, proud nanay talaga si Coney dahil sa tinatanggap na papuri na anak at ng kanyang team bunsod na rin ng ginagawa nitong pagtatrabaho para labanan ang COVID-19 sa Pasig City.

“Thank you so much to all the men and women who tirelessly work alongside Vico!

“Bilib ako sa inyo! Maraming Salamat sa walang patid na tulong at suporta! God is your ultimate Rewarder!” sey pa ng aktres.

Pahabol pa niya, “I would also personally like to thank all the people who continue to pray for Vico and his team!”

 “God bless us all and keep us in His loving care. God is our Refuge and Strength!

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Our ever-present help in times of need! Mga kapwa Filipino! Stay strong! Konti nalang ito, di ba Lord?!” pahayag pa ng veteran actress.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending