P30 bilyong budget laban sa COVID-19 | Bandera

P30 bilyong budget laban sa COVID-19

Liza Soriano - March 20, 2020 - 12:15 AM

TATLUMPUNG bilyong piso ang inisyal na ibibigay ng PhilHealth sa mga accredited nitong ospital upang makatulong sa mabilis na pagsugpo ng Covid-19 sa bansa sa pamamagitan ng interim reimbursement mechanism (IRM) nito.

Ang nasabing ayuda ay katumbas ng tatlong buwang halaga ng claims batay sa historical data at ito ay iaawas naman sa kanilang future claims.

Kinakailangan lamang na magsumite ng letter of intent ang mga ospital upang maka-avail ng nasabing mekanismo. Ang mga ospital na may kasalukuyang kinakaharap na kaso o kaparusahan ay maaari ring mag-avail ng nasabing mekanismo.

Ito ay bahagi ng pagsisikap ng PhilHealth upang mabawasan ang return-to-hospital payments mula 2019 pabalik, at upang madagdagan din ang binabayad ng PhilHealth sa mga ospital.

Samantala, pinalawig din ng ahensya ang deadline sa pagbabayad ng kontribusyon para sa mga self-paying direct contributors upang maibsan ang kanilang alalahanin.

Maaari nilang bayaran ang kanilang first quarter contribution bago o sa ika-30 ng Abril, 2020 sa halip na sa ika-31 ng Marso nang walang interes.

Bukod dito, ang polisiya sa single period of confinement at 45-days coverage para sa mga miyembro ay pansamantalang ipinagpapaliban, habang ang pagpapasa ng claims ng mga health care providers ay pinapalawig naman mula 60 hanggang 120 araw o higit pa batay sa ipapasya ng PhilHealth.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending