Bianca sa madlang pipol: Magtiwala tayo sa gobyerno
MAY panawagan ang TV host at Asian Artist Agency talent na si Bianca Gonzalez sa lahat ng Filipino ngayong ipinatutupad na ang enhanced community quarantine sa buong Luzon dahil sa banta ng COVID-19.
Idinaan niya sa kanyang social media account ang kanyang mensahe para sa ating mga kababayan, lalo na sa mga nagrereklamo tungkol sa usapin ng “lockdown.”
“Fellow citizens, let us trust in our government and follow the measures by which we can all help contain this situation and see its end soonest,” simulang pahayag ng TV host.
Umapela rin si Bianca sa mga government officials na linawin ang mga guidelines sa “home quarantine” lalo pa’t ang dami-daming naka-impose na ‘dos’ and ‘don’ts’ especially sa mga residente ng Metro Manila. Tapos hahaluan pa ng confusion ng ibang annoucements ng mga local government units.
“Government officials, kindly be patient with all our questions and explain in a calm, clear manner. Tulungan tayong lahat,” post pa ni Bianca.
Knows naman ng marami na very active and responsible si Bianca sa paggamit ng social media. Sa kabila nito, may mga namba-bash pa rin sa kanya. Pero hindi ang bashers ang makakapigil kay Bianca to express what she feels via social media.
And speaking of birthday, kamakailan ay nagkaroon ng birthday celebration si Bianca sa Kapamilya morning show na “Magandang Buhay” hosted by momshies Jolina Magdangal, Karla Estrada and Melai Cantiveros.
Deserved naman ni Bianca na bigyan ng “Magandang Buhay” ng birthday celebration. Madalas din kasi siyang mag-guest co-host sa programa kapag absent ang isa sa mga host na momshies.
At sa birthday celebration ni Bianca sa show, marami ang nagulat sa muling paglabas ng kilala at controversial stylist na si Liz Uy. Long-time friends pala talaga kasi sina Bianca at Liz.
Ang tagal din kasing nanahimik sa “limelight” si Liz lalo na when she got pregnant at naintriga pa tungkol sa tatay ng kanyang baby na si Raymond Racaza.
Natsismis kasi na may asawa at anak si Raymond nu’ng time na maging sila. ‘Yun pala, matagal nang hiwalay sa kanyang misis si Raymond at annulled na rin ang kanyang kasal.
Ang bongga pa sa special guesting ni Liz sa “Magandang Buhay,” for the first time ay inilabas niya on national television ang kanyang baby na si Xavi.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.