Laiterang basher 'sinunog' ni Ethel: Sorry na lang...baka ikaw ang walang ambag sa lipunan | Bandera

Laiterang basher ‘sinunog’ ni Ethel: Sorry na lang…baka ikaw ang walang ambag sa lipunan

Alex Brosas - March 18, 2020 - 12:58 AM

ETHEL BOOBA

Pinatulan ni Ethel Booba ang isang basher na nanglait sa kanya.

“Dyusko kala MO kung may ambag ka sa lipunan.”

‘Yan ang aria ng basher sa komedyante. Hindi ito pinalagpas ni Ethe who tweeted back, “Sorry na lang pero ilang sakuna na ba ang pinadalhan ko ng donation at may ibang eksena noon na nag volunteer pa ako mag repack ng relief goods. Malamang di mo pa nagagawa yan kasi wala kang pang ambag at wala kang bilang sa lipunan. Charot!”

Click na click sa Twitter followers ni Ethel ang aria nito. Actually, pinagtulungan ng followers niya ang basher kaya sunog na sunog ito. Kaliwa’t kanang upak ang inabot nito sa nasabing social media application.

“Yan naman tayo sa paulit ulit na sinasabi ng mga DDS na yan. Ambagan talaga? Once na taxpayer ka malaki ang ambag mo sa lipunan. Di ba nila alam yun? Baka kasi sya istambay at adik sa kanto nila.”

“Laki ng binabayarang TAX ni Ethel Booba kada show may tax na kinakaltas na ninanakaw lang naman ng mga KAWATAN para ipanuhol sa mga generals. Sobra pa sa ambag yan!”

“Pasensya ka na sa kabobohan nila. Kung me trabho man sila di nila alam na yun binabayarang tax ay pampasweldo sa mga opisyal. Ibig sabihin tayo nagpapasahod sa opisyales at may karapatan tyong mgreklamo kung tingin ntin ay di tama ang serbisyo. Malamang un basher mo jobless.”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending